Nagpasa na po ako ng resignation lastmonth tapos kinausap ako ng management na pwede ako umalis pero tatapusin yung project at para sa turnover ng lahat ng projects na hawak ko.Tapos nung tinuturn over ko na lahat ng projects ayaw nila tanggapin humingi na ako ng tulong sa bisor ko pero ang sabi "bahala ka dyan!". Kinausap ko yung operation manager namen sabi ko kaya nga po ako nagpasa ng maaga ng resignation letter para maturnover na lhat projects, sagot naman nya hindi puwede kailangan ikaw ang tumapos eh wala naman na po ginagawa yung ibang kasama ko. then 1 day umabsent ako di ako nakatawag dahil masama talaga pakiramdam ko kinonsider na nilang awol kagad. the next day di na ako pumasok ulit dahil yun ang last ko sa resignation ko at alam ko pipilitin nanaman nila ako magextend para sa isang project which is dapat na ituturn over ko na pero ayaw talaga nila.Probitionary lang po ako doon sa company. gustong gusto ko ng umalis dahil marami silang hindi maipaliwanag unang una sa sweldo may mga kaltas na hindi nila maipaliwanag. pangalawa delayed ang sweldo. pangatlo kinakaltasan nila ako ng pagibig ng wala silang maipresent na document sakin na inopen nila ako ng account dun.
Ano po ang dapat na action ko dito ? Hindi na rin nila ibibigay ang sahod ko dahil daw awol ako..