Higit isang taon at kalahati po ang lumipas mula nang nangyari ang insidenteng nabanggit ko, nakatanggap po ako ng e-mail mula sa dati kong employer na inaalok ako na bumalik sa kanila dahil kailangan nila ang aking tulong at wala na daw po silang mapagkakatiwalaan. tinanggihan ko po ang unang alok nya sa akin, ngunit nagpatuloy po siyang nagpadala ng e-mail sa akin na nangungumbinsi na bumalik na ako sa kanila. Pinangakuan po ako ng financial assistance worth 150,000 pesos na ikakaltas sa aking buwanang sweldo para sa relocation ng aking pamilya at iba pang mga tungkuling pinansyal na maiiwan ko sa Bulacan dahil kailangang kailangan na daw po nila ako sa kumpanya nila para ayusin ang gulo sa mga staff at pagpapatayo ng isang branch nila sa Tarlac. Pinangakuan din po nila ako na ibabalik nila ako sa pagiging Incorporator ko sa kumpanya at ako din daw po ang hahawak at magpapalakad sa pre-elem kung gusto ko na tinanggap ko naman po. Ito po ay iba pa sa alok sa akin na maging HR at Training Development Supervisor. Nagsimula po akong magtrabaho sa kanila ulit noong buwan ng Nobyembre taong 2010. Pinirmahan ko po ang kontrata sa pagiging HR at Training Development Supervisor na may buwanang sweldo na 25,000 pesos. Sinimulan ko pong gawin ang mga paper works para sa Tarlac branch at matagumpay naman po na napaabrubahan sa TESDA. Noong Disyembre 2010 sinimulan ko na pong gawin ang mga paper works para sa pre-elem at nag-market para sa matagumpay na opening nito sa buwan ng Hunyo 2011.
Naging matagumpay nga po ang pre-elem at marami ang estudyante sa pamamahala ko. Kasabay po ng mga work loads ko bilang HR, Training Development Supervisor at Principal ay pinagturo din po nila ako ng Call Center Training within office hours.
Yun pong pagiging principal ko at pagtuturo ko ng Call Centre Training ay ginawa nilang PRO BONO.
Salungat po sa pinasa naming kuntrata sa DEPED na ang basic salary ko sa pagiging principal ay 25,000 din.
Naghintay po ako na tuparin nila iyon pero umasa lang po ako sa wala. Nang dahil po dito nag request na lamang po ako na kahit bigyan nila ako ng honorarium na 3,000 pesos a month para sa pagiging principal ko pero wala din po.
Sa kalagitnaan po ng aking pagtatrabho sa kanila ay unti-unti po akong inaalisan ng karapatan sa aking mga tungkulin ng COO at bina block po nila ako sa mga mahalagang impormasyon na may kinalaman sa aking tungkulin, paulit-ulit pong nangyayari ito na pinagpapasensyahan ko na lamang. Pero umabot na po sa puntong sinisiraan na pala nya ako sa employer namin. at ang mga subordinates ko ay di na sa akin nagrereport muna kundi sa COO na agad. Marami po silang ginagawang isyu.
Sa dami din po ng workloads ko ay hiniling ko sa COO ng kumpanya na i-unload nila ang pagtuturo ko sa Call Center Training within office hours upang mapagtuunan ko ng atensyon ang mga posisyon na nasa kontrata ko.
Nag-usap po ang COO namin at ang Chairman ng kumpanya ukol dito, at kinabukasan po, August 2, bigla nalang ho akong dinemote na walang proper procedure sa pagiging HR at ginawa nalang ho akong acting Principal. Dahil po sa pangyayari at sa lumalaking paninira ng COO ng kumpanya sa akin ay kinausap ko po ang VP for finance ng kumpanya na siya ring asawa ng Chairman ng kumpanya at sinabi ko po na magreresign na po ako dahil wala din pong security of tenure sa trabaho at hindi na rin po nagiging healthy ang working environment sa loob ng office at upang i-salba ko na din ang aking dignidad. Kinabukasan nag padala po ako ng resignation letter sa chairman via e-mail effective din po sa araw na iyon, alinsunod din po sa sinabi ng chaiman sa akin noong nag e-mail ako ukol sa mga request ko na kung di ko na kaya at para sa ikakabuti ng pamilya ko ay pwede na ako umalis sa kumpanya at maghanap ng ibang trabaho na mas malaki ang sweldo.
kinabukasan po August 3, 2011 ay di na po ako pumasok, At dahil nga po sa may naiwan po akong utang sa kumpanya ay pinupuwersa po nila akong magbayad sa loob ng 15 ng buong halagang 150,660 pesos. Kung hindi daw po ako magko-comply sa ultimatum nila ay ididimanda nila ako. Sinagot ko po ang chairman via-e-mail na magbabayad naman po ako sa kanila in a staggered way gaya din po ng pag rerelease ng financial assistance nila noon.
Tanong ko lang po kung pupuwedeng pabayaran ko din sa kanila iyong sa pagiging principal ko alinsunod sa kuntrata naming nasa DEPED Pampanga? At iyong pong pagtuturo ko po ng Call Center Training na wala sa kontrata ko during office hours, legal po ba ang ginawa nilang iyon?
Hindi po ako makakakuha ng abogado sa PAO dahil po sinabi na po un mismo ng COO ng kumpanya na iba block daw nya po ako sa PAO dahil doon nagtatrabaho ang asawa nyang babae. At Pinagtatawanan po nya ako dahil saan daw po ako kukuha ng abogado eh wala naman po ako perang pangbayad sa abogado.