pahingi lang po ng konting input about our family's problem
ung auntie ko po may kaso po bouncing check. worth more or les 1M. ang alam ko po, malapit nang ipa-sheriff ang laman ng bahay niya para nga po maclaim ang utang niya in the form of appliances at whatever is inside her house. ang aming house ay duplex, isa po kanila, ang isa amin po. sa lot title po naman, 3 po sila ng aking lola. ang tax declaration naman po magkahiwalay ang sa aming house at sa auntie ko. kahapon nalaman ko po, na ipapa-auction na po ng pinagka-utangan ng auntie ko ang buong property (august 17, 2011). ano po ang habol namin, wala naman po kaming kinalaman sa utang niya. nangyari lang ay co-owners kami sa property na ipambabayad niya sa kanyang utang. patulong naman po. ito lang po ang tanging property ng aming pamilya. ito po ang aming tahanan. may magagawa pa po ba kami bilang wala naman po kaming kinalaman sa kanyang utang?
maraming salamat po.