Good evening po. Ilalahad ko lang po ang nangyari sa amin ng kapatid ko sa lugar na kalilipat lang po namin nakaraan lang po..Matulungan ninyo po sana kami, dahil hindi ko po alam ang mga parusa o kaso na pwede po namin isampa laban sa mag asawa na kapitbahay po namin..Bagong lipat lang po kami dito sa di kagandahan na lugar dito sa Maynila nung February 5, 2012..Nangyari po ito nung Linggo ng gabi pagkagaling ko po sa trabaho,habang nag iinuman kapatid ko at kapitbahay na lalake sa bahay nila at may mga kaibigan din po na bisita ng kapitbahay naming lalake ..Biglang nagkaroon po sila ng alitan. Pumasok kapatid ko sa inuupahan po namin na kwarto at sinabi sa akin na pinitik siya sa mukha nitong kapitbahay naming lalake dahil lasing na lasing na po at naka droga daw po kasama ng mga bisita ng kapitbahay namin na lalake..Sa kagustuhang gumanti na kapatid ko po ay kumuha ng pang depensa sa loob ng kwarto ang kapatid ko po at pinuntahan ang kapitbahay namin na lalake pero isinarado po nila ang bahay nila agad, pero mamaya ng konti po ay lumabas din tong kapitbahay namin na lalake at hinahamon ang kapatid ko na lalake..Nagsalita pa itong kapitbahay namin na lalake na "AKO ANG HARI DITO!" "TERITORYO NAMIN TO!" at salitang "LUMAYAS KAYO DITO!"..Hindi ko na po pinalabas ang kapatid ko, para hindi na po nagkagulo lalo..Pero ang kapitbahay namin na lalake ay tuloy pa din ang pagsasalita ng kung anu-ano masasama laban sa kapatid ko at pambabanta sa loob ng bahay nila na naririnig namin dahil malakas po boses niya..Kinaumagahan po ng Lunes, ay binalak ko po na ipa blotter yung kapitbahay namin na lalake, pero pinakiusapan ako ng kapitbahay namin na babae na pagpasensyahan ang asawa niya na lalake dahil grabe daw ito maglabas ng sama ng loob pag lasing..Hindi ko na po pinansin ang pangyayaring yon pero kinagabihan po pagkagaling ko po sa meeting ng opisina namin, dahil wala po kami pasok ng Lunes, nag meeting lang po kami, pagkadating ko po sa inuupahan namin ay dumating mga taga Barangay na ikinagulat ko po, pinatatawag ng Barangay yung kapatid ko, habang naglalakad po kami papunta sa sasakyan ng mga taga Barangay ay napadaan po kami sa lugar ng mga kamag-anak ng kapitbahay po namin ay bigla na lang binugbog ng kapatid ng kapitbahay namin ang kapatid ko po, ex military daw po ung kapatid ng babae na kapitbahay namin na naging sanhi para mahiwa ang kanang itaas na kilay ng kapatid ko po..Nung nasa Barangay na po kami ay nag deny po ang babae na kapitbahay namin na hindi raw niya kilala po yung bumugbog sa kapatid ko po..Hindi na po kami natulog sa inuupahan na naming kwarto pagkagaling sa Barangay sa dahilang natatakot po ako na baka madagdagan pa ang gulo at bugbugin po ulit ang kapatid ko..Pina tahi po namin yung kanang itaas na kilay ng kapatid ko at nakita ko din po na namaga mata niya pati na din po yung bibig ng kapatid ko ay namaga.. Ask ko lang po kung oral defamation nga po ba ang pwede ikaso sa kapitbahay po namin na nagbibintang sa kapatid ko at sa kinakasama ng kapatid ko na nagtatalik daw po sa loob ng bahay ng kapitbahay namin sa tuwing nakikipanood ng dvd na bold daw ho ang kapatid ko at kinakasama niya..Na hindi naman po ginawa ng kapatid ko dahil nakabukas po lagi ang pinto ng kapitbahay namin pag galing ako ng trabaho sa umaga po dahil pang gabi po ako sa trabaho at napaka imposible na gumawa ng ganoong sitwasyon ang kapatid ko at kinakasama niya, dahil pwede nila gawin mag love making sa buong gabi na wala ako sa inuupahan naming kwarto..Naikwento po sa akin ng kapatid ko at ng kinakasama ng kapatid ko na sinabihan sila ng mag asawang kapitbahay namin na "pag wala kayo talaga ginagawa, pwede naman kayo makipanood ng tv dito sa amin o kaya ay dvd." At ano po pwede ikaso sa mag asawa na kapitbahay namin na pinagbibintangan kapatid ko na pinaiinom daw yung anak nila na 14 anyos na lalake? Samantalang bago po ako pumasok sa gabi minsan tulad ng Linggo araw o anumang araw ay nakikita ko po umiinom ang anak ng kapitbahay namin kasama ng mga kaklase niya na lalake at babae na mga estudyante at mismo yung kapitbahay namin na tatay po ng 14 anyos na lalake... Nung Martes din po nalaman ko po sa kapitbahay namin na pinilit buksan ng mag asawang kapitbahay ang inuupahan naming kwarto kasama ng Purok Leader daw doon, habang kami po ay wala sa inuupahan naming kwarto..Nagpatulong po ako sa kaibigan ko na lalake at pumunta po kami sa Barangay para magpasama sa lugar namin dahil natatakot po ako na baka pwede plantahan nila ng drugs yung kwarto namin na maraming ganitong nangyayari po.Kaya inisip ko lang po ang proteksyon ko din bilang babae..Nung dumating po kami ng 12:30 na po ng gabi ay nakita po namin na gulong-gulo po ang kwarto namin at halatang may hinanap sila at tinanggalan po kami ng nakakabit na bulb na ilaw po namin..Pero hindi ko po nakuhaan ng litrato dahil sira po cellphone ko na may camera pati mga taga Barangay ay wala din po camera..Habang andoon po kami ay lumabas po yung mag asawa at nagsalita pa ng pananakot ung kapitbahay namin na lalake na "MAY PAGLALAGYAN ANG KAPATID MO" at yung babae naman na kapitbahay namin ay nagsalita ng "LINTEK LANG ANG WALANG GANTI"..Kumuha lang po ako ng mga konting damit ko pero iniwan ko po na ganun pa din kagulo yung kwarto namin..Balak ko po kunin na lahat bukas, Byernes ang mga gamit namin..Anu-ano po mga kaso ang pwede namin isampa laban sa mag asawa na kapitbahay namin po...Sana matulungan ninyo po kami..