ako po ay dating gov't employee. i was dropped from the roll because of AWOL. entitled po ba ako sa separation pay? ano ano po ba ang mga dapat kong ma-claim? kasi po, lumalabas na provident fund (ee/er share) at ilang bonus, na di ko nakuha nuon, lang po ang na-claim ko at duon pa binawas lahat ng utang ko sa opisina. june 1999 po ako na-regular. nag-resign po ako nuon july 2008 pero di po ako nakapag-clearance. pinadalhan naman po nila ako ng sulat twice pero inignore ko po. kaya yung huling sulat nila sa kin ay dropping from the roll effective june 22, 2010. last march 2011 po nag-clearance na po ako pero father ko na lang po ang pinalakad ko kasi ayoko na pong bumalik sa opisona namin. wala naman po akong kaso. maliban sa hindi nga lang po ako nakapag clearance kagad. pasimula po nung march, ngayong july ko lang po nakuha withheld benefits voucher ko na P34K+. pero bago po yan, ilang beses na po nila sinabi na wala na daw ako makukuha. ok na lang po sana pero kelangan ko kumuha ng cert. of employment. pero nun nag request po ako, sabi nila di daw pwede ako mabigyan dahil may utang pa rin ako. kaya ang ginawa ng father ko, gumawa sya ng written request (july 14) ng detailed information ng salary and benefits/incentives from 1999 to 2010. kasi po puro monetary obligations ko lang po ang mga sinasabi nila. di po nila sinagot yung request. sa halip ang sabi lang ng HR sa father ko nung binalikan nya yung sagot sana sa sulat (2x kami nagpa-receive ng written request sa kanila (una july 1) pero di nila sinasagot) binalita lang na may makukuha pa pala ako at dun na lang ibabawas yung kulang sa utang ko. parang pampalubag loob na lang. nakakuha po ako ng cert. of employment pero kelangan po ba talaga na indicate pa nila na dropped from the roll ako? at di po ba kelangan may seal yung certificate?
kanino po ba o saan po ba ako pwede lumapit at humingi ng tulong para maliwanagan nman po ako. ayoko na po kasing magtanong sa opisina dahil pakiramdam ko po pine-personal po nila ako.
matulungan nyo po sana ako. maraming salamat po!