Heto po sana ang mga bagay na gusto ko malinawan:
Hindi po makasagot ang Head Office Management namin tungkol sa "Separation Pay" iyon pong 1 month salary na ibibigay sa tao para sa umabot at lumagpas ng 6 months na pagtatrabaho sa isang kumpanya dahil "Project Based" lang daw kami kaya wala kami marereceive na ganun. Ang tanging marereceive lang daw namin ay ung pro-rated na 13th month, last pay and tax refund. Sa mga manufacturing lang daw un applicable at kapag regular ang isang empleyado ibibigay un 1 month salary. Mula noong pumasok ako sa kumpanya namin ay naka 1 taon at 8 buwan na ako nagtatrabaho.
Pagdating po sa contract meron ako initial contract upon employment at pumirma ulet ako ng contract na ang employment status ko ay "Permanent Employment upon completion of Project". Ano po kaya ang ibig sabihin ng "Permanent Employment" dun? Ibig sabihin po ba ay hindi ako project based? at ung nagpapirma sa akin ang sabi ay "Regular Employee" daw ako sa project. Ibig sabihin po ba nun ay hindi ako project employee?
Sana po ay malinawan po ako dito para hindi naman ako maargabiyado. Maraming maraming salamat po.