Gusto ko lang ishare ang mga problema na pinagdadaanan ko ngayon at magbakasakali na makakuha ako ng mga insights sa mga tao d2.
Nagumpisa po yung problema ko ng nahuli ko ulit yung asawa ko na nambababae a month ago. Married kami for 12 years na pero never talaga kami nagsama sa iisang bahay. MEron kaming dalawang anak.8 at 3 yrs old. Dati po akong seafarer pero one year nako na nakabakasyon d2 sa Pilipinas. Before ako nagdecide na umuwi sinabihan ko ang asawa ko na gusto kong ayusin ang buhay naming maganak at mamuhay bilang isang pamilya. nangako sya na nde na sya mambabae at aayusin nga namin until nahuli ko na nman sya at nagdesisyon ako na tapusin na. Gusto kong magfile ng annulment.
isang araw pinuntahan ko sya sa tinutuluyan nyang staff house sa cabanatuan para papirmahin sya ng waiver of rights para maisalin ko sa panganay kong anak ang properties na na acquire ko nung nagbabarko pa ako. Dun na nagsimula na naginit ang ulo nya sakin at ayaw nyang pumirma. ang sakin lang nman kahit magasawa kami at inside the marriage nabili ang property alam nman nya na wala syang binigay kahit piso sa mga yun. kaya gusto ko lang masafe sa anak na nmin ipangalan since wala pa nmang title. Gumulo n ng gumulo at nakisali pa ang tiyuhin nya sa usapan hanggang sa nagkagulo na at bigla nlang akong sinapak ng tiyuhin nya ng 4 na beses sa me kilay ko. Sinampahan ko po ng Physical Injury ang tiyuhin ng asawa ko. Pero nung una sinasabi ko pa sa kanya na akkalimutan ko ang nangyari kung magwewaive sya ng rights. After ng incident na yun never na sya nakipagcommunicate sakin.
A week after naabutan ko sya sa office ng binili kong lupa at napagalaman ko na knukuha nya ang lot description. Wla kasi sya kahit anong papeles na pinanghahawakan. ang alam lang nya me lupa ako dun. at ngayon gusto nyang kunin ang kalahati ng lupa na yun. kaya po nagaway kami at nagsigawan tas tnutulak nya ko kaya nasampal ko sya tas biglang lumapit yung tiyahin nya at hinablot ako at kinalmot nung tnulak ko sya lumapit ang asawa nito at dinagukan ako sa ulo at pinagsusuntok sa braso at likuran. nung aawat yung nanay ko biglang sinipa ng tiyuhin nya at nagkaron ng black eye sa kanang mata. Sobra na po sila. Kinasuhan ko ang asawa ko ng 9262 at ang mga kamaganak nya ng physical injury.
ang tanong ko po. ngayon na me mga kaso akong ganito. makakahadlang ba to sa pagaabroad ko. one year nako d2 at nangangailangan na din akong magtrabaho lalo ngayon na kahit singko wala na syang ibbgay na suporta sa mga anak ko.
gano po ba katagal ang mag kasong ganito tulad ng physical injury at 9262? ang alam ko po kinasuhan din nila ako ng physical injury at oral defamation ata..nde ko pa alam kasi wala pang summon na dumadating sa amin. panibagong kaso po ba ito o prang counter lang sa kasong sinampa ko? sa piskalya lang po ako ng file unlike nila na me sariling abogado.
kung sakali pong matapos man lahat sa korte [ walang me gusto ng settlement] malalagay ba ang mga bagay na to sa nbi at makakahadlang na makahanap ako ng trabaho?
Gusto ko po sana makapagfile ng sole custody ng mga bata. pano ko po ba gagawin ito. at me laban po ba ako kung saka sakali. yung mga anak ko po simula pag kapanganak sa mommy at daddy ko lumaki. nasa puder namin sila. ang problema ko kung makakapag abroad bako mapupunta na kagad ang mga bata sa kanya?
at yung huli po yung sa lupa ko wala po bang pagkakataon na mailipat ko sa mga anak ko ang lupa ng nde sya pipirma? ako po ang principal buyer kaso nadeclare ko na married ako pero ng binili ang lupa merong SPA para sa mommy ko na nakapirma kaming dalawa. nakasaad sa SPA ang full power para sa mom ko like sa article 6. nakalagay na pede nyang ibenta o paupahan ang naturang lupa.
nawa po'y me mkapagbigay man lang sakin kahit konting advise. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko sa ngayon. salamat po