Good Day, Ako po ay may malaking problema tungkol sa bahay at lupa namin na na foreclose dahil sa hindi namin pagbayad sa utang pero sa ngayon nagkaroon na kame ng options paano namin makuha ulit ang bahay at lupa. Ang asawa ng kaptid ko ay nangutang ng halagang P300,000.00 sa kapatid ng asawa niya with 3% interest per month. Ang negosyo nila ay lending single proprietor pwede po ba nila i foreclose ito na hindi naman sila registered sa SEC o sa DTI. Nangutang sila sa taong ito dahil nga kilala ng kapatid niya at malapit sa kanya, noong 2004 pa nakabayad sila ng 95,000 interest at mangyari nagpaayad siya ng 180,000.00 ulit ng 2007 kaso ang binayad ng inutusan niya ay 60t including na ang 60t sa 95,000.00 na total nalaman nila ng magpadala ang lending ng statement wala silang nagawa, 2004 up to the 2007 saka pa nakabayad ulit di naman natanggap ng lending ang buo, bumagsak ang negosyo 2005 up the present di pa rin makabayd dahil ang inipon na naman pangbayad ay di pa rin napasakamay ng kaptid ko dahil may kaso naman ang companya kung saan siya may collection, babayad lang daw kung magbabayad ang companya na may utang din sa kanila. Noong November 08, nagpadala ulit sila ng sulat para i forclosed ang bahay pumunta ang asawa ng kaptid ko para humingi ng extension November 4, 11 and 18, 2008 na publish ang auction. Itong mga taon na ito wala ang mag asawa sa bahay nila dahil pumunta sila sa ibang lugar dito lang din sa Pilipinas para maghanap buhay para pang bayad sa bahay dahil mga anak nila ay naiwan at nag aaral naiwan ang isa naming kapatidpara mag alaga sa kanila. Ang tanong ko sabi nila may republic act noong 2007 na hindi raw pwede i foreclose ang isang property kung ang lending ay hindi corporation, kung nangutang kame 2004 na foreclosed siya 2008 at natransfer sa kanila ang titulo july 2010 wala po ba kame magawa. SAyoko po makuha nila ang bahay dahil wala kameng matirhan ang bahay namin ay conkreto at hindi lang nagkakahalaga ng 300t ito ay million ang halaga humanap kame ng paraan ang option namin instead mapunta sa kanila ang bahay at lupa pinaloan ko ang kapatid ko sa PAG IBIG para makuha namin ang bahay, kaso may sulat na kame ulit 15 days to vacate letter received July 20, 2011 at may kasama pa naka attached writ of possession sa tingin ko sa papel di pa na notarize ang writ of possession pumunta kame agad sa lending sabi nila ok daw ang magloan pero 1 month lang dahil nasabi ko 1 month lang ang process sa loan sabi niya kailangan daw bayaran namin lahat ng gastos dahil sa of todate umabot na raw sa 800t ang gastos lahat lahat including na ang interest. Tapos gusto ng attorney dahil ayaw namin umalis gawa daw ng lease contract while pinaprocess ang loan i rent namin ang bahay hanggang sa lumabas ang loan. para sa akin kung gagawa ako ng ganoon kasulatan para na rin sinurender ko ang bahay sa kanila dahil mag loloan naman kame bat kailangan pa namin umalis or i rent ang bahay. Sabi ng Attorney para daw ang relation namin sa lending ay lessor at lessee at mag umpisa na naman kame sa loan. Sa nagyon gipit na gipit kame ang mag rent ay di namin kaya sabi naman ng attorney only in papers lang pwede daw walang bayad depende sa lending. Bakit kailangan pa gawin yon di pa naman sila nag file ng writ of possession baka tinatakot lang nila kame. S a ngayon wala talaga kame matirhan kung sakali kumuha pa lang kame ng true copy ng titulo sa ROD aabot pa ng 5 days. Ano ang dapat namin gawin, please tulungan mo kame. Wala kameng Atty. na makunsulta dahil wala rin kame pangbayad kung sakali. Lubos na gumagalang Lezah