Gusto ko lang po humingi ng tulong sa inyo regarding po sa case ko. Nag apply po ako bilang LAN tech sa UAE sa isang recruitment agency dito sa pilipinas nung November 2010. Nakapasa po ako sa interview ng employer at agad po nila pinaaskiaso sa akin ang aking medical, PDOS at kung anu anu pa. ang placement fee ko po is 65,000 ayon sa kanila at kelangan ko pong ibigay ng cash ang sweldo po namin doon ay 3,000 dirhams lamang or mahigit 30,000 [esos lang. kung kulang naman po ang pang placement ay kelangan daw namin humiram sa lending agency at yung lending agency na daw po ang bahala makipag coordinate sa kanila, ngunit bago sila magbigay ng documents sa lending ay kelangan muna daw namin magbayad ng kahit 20,000. npakiusapan ko naman po na baka pupuwedeng 10,000 muna ang ibigay ko at pumayag naman sila. Nakapag resign na po ako sa aking kumpanyang pinagtatrabahuan dahil ticket nalang po ang kulang sa akin at may visa na po ako. Pero nagkaroon daw ng problema ang agency nila dun sa UAE kaya po ang batch po namin ay hindi nakaalis hanggang ngyn. Ayaw po nila ibalik ang pera na ibinigay ko at ang katwiran nila ay ibinayad na daw nila yun sa OEC, insurance at kung ano ano pa. Tama po ba yun? hiniram ko lang po ang pera na ipinambayad ko sa kanila at nagresign pa ako sa aking kumpanya na halos 7 years ko na pinagtatrabahuan at wala pa po akong trabaho sa ngayon. Sana matulungan nyo po ako. Salamat po.