July 12,2011 nang matuklasan ko po na nawawala ang aking credit card. Itinawag ko sa credit card company upang alamin kong may mga transaksyon bang naganap bukod sa huling transakyon na ginawa ko. Napag alaman ko na ginamit yun credit card ko noong July 8 na nagkakahalaga ng P17,990 at P599. At ayon sa customer service agent na kausap ko na habang kausap ko sya ay may pumapasok na panibagong transaksyon gamit ang credit card ko. Agad ko ng pinablocked ang card. Agad akong nagtungo sa tindahan kung saan nya binili ang nagkakahalaga ng P17,990. Tinanong ko sa naturang tindahan kung paano ang transakyon nila kapag credit card ag gamit. Ang sabi nila humihingi sila ng valid ID. Napag alaman ko na ang suspek ay gumamit ng driver's license na pangalan ko ngunit larawan nya. Pina-describe ko sa staff kung ano ang itsura ng taong bumili ng laptop at case. Nakiusap ako na makigamit ng internet upang maipakita ko ang larawan ng pinagsususpetyahan ko. At ng makita ng 3 staff ang larawan ay kinumpira nila sa akin na siya ang taong gumamit ng credit card ko. At ang taong iyon ay ang aking katrabaho na sa ngayon ay 5 days ng hindi pumapasok na ang dahilan ay naka confined sya, may tragkaso sya, o nakunan. Iba iba ang kanyang dahilan kung bakit sya absent. Kagabi din ay pina-blotter ko siya sa Camp Panopio Police Station at kanina ay idinala ko sa Quezon City Hall of Justice upang idirect filing ang kasong isasampa ko R.A 8484.
Posible po kaya mabalewala yung isinampa ko sa kanya kung wala na yun item na pinurchase niya. Na maaari nya ipagbenta. At kung hindi na makita sa kanya yung credit card ko. At paano ko po makukuha yung pekeng ID na ginamit nya dahil natatakot po ako na magamit niya iyon sa ibang bagay na mapapasama ako dahil ako ang nakapangalan? Nais ko po sana mag file ng search warrant upang makita yung item na binili nya at yung ID na ginamit nya? Paano po kaya ang prosesong iyon? At ano ano po ba ang pwedeng ikaso sa ginawa niya sa akin? Sana po ay matugunan ninyo ang aking mga katanugan? Maraming Salamat po!