ako po,kasama ng aking nanay at kapatid ay nakatira sa isang bahay na pinagawa ng aking lola (my mom's mother).dito na po kami lumaki ng aking mga kapatid at kami na po ang kasama ng lola ko simula pa nung mapatayo ang nasabing bahay. Ang nanay ko po ay may kapatid na nagttrabaho sa ibang bansa at may anak na nuon ay nangungupahan lang sa isang paupahan na di kalayuan sa bahay ng aking lola. Noon po ay nirerentahan lang po ang lupa na kinatitirikan ng bahay ng aking lola at ng magkabentahan ng lupa ay nag-suggest po ang aking nanay sa kanyang kapatid sa abroad na bilihin na ang lupa at bilang pagmamagandang loob ay minungkahi ng aking nanay na ipaayos ang itaas na bahagi ng bahay para di na umupa ang kanyang anak na inaasa lang ang pang-upa sa kaniya. Nabili po ang lupa ng aking tiyahin at naipaayos po ang itaas na bahagi ng bahay at doon po tumira ang kanyang anak. Simula po ng tumira sila dito ay wala na po silang binabayaran kahit sa konsumo sa tubig (nakapangalan sa lola ko) at kuryente (nakapangalan sa nasira kong tatay).Kami po ang nagbabayad sa tubig at kuryente ng aking nanay. Ngayon po ay pinaapaalis po kami ng aking tiyahin.Nais ko lang po malaman kung may habol pu ba kami o maari pu ba silang magbayad samin bago kami umalis dahil simula't simula po ay kami na ang nagbabayad sa renta ng lupa nung di pa nabibili ang lupa ng tiyahin ko,konsumo sa kuryente at tubig.Pinatawag na po ang nanay ko sa barangay dahil sa reklamo na ayaw daw po namin umalis kahit balak naman na talaga namin umalis,ngunit ang hinihingi lang po ng nanay ko ay kabayaran sa mga kinonsumo ng anak ng tiyahin ko at iba pang gastos nung di pa sila nakatira sa bahay na ito.Nabanggit po sakin ng aking nanay na dinala na daw po sa korte yung kaso dahil siguro sa takot na sila ang mapaalis dahil nung nabili po ang lupa ay sa nanay ko po naipangalan ng may ari ng lupa ang ibang resibo at ang napagbentahan.Nais ko lang po malaman kung obligado po ba sila magbayad samin bago kami umalis,or kung may laban pu ba kami kung dadalahin sa korte yung kaso.Nais ko po linawin na wala pong napagkasunduan na uupa kami nung mabili ng tiyahin ko yung lupa.Sana po ay mabigyan ng kasagutan ang aking mga tanong.
Salamat po.