may lupa po yung nanay ko na balak na naming ibenta. problema ay nakapangalan ang titulo nito sa tito kong deaf-mute.
(Background info:
about 23 years ago, bumili po ang lolo ko ng lupa, 3 parcels of land, gamit pera ng nanay ko who is an OFW then, at ang titulo ng lupa ay ipinangalan po ng lolo ko sa tito ko.
my lolo died 20years ago.
about 7 years ago, naibenta namin yung 2 parcels. kasama sa araw ng bentahan yung tito ko para pumirma sa bentahan. at nakinabang rin po yung tito ko dun sa bentahan na yun.
nasa nanay ko po ang titulo ng lupa; all related papers gaya ng resibo sa amilyar na binayaran religiously ng nanay ko; evidence gaya ng sulat at voiced tapes na correspondence ng nanay at lolo ko back then nung abroad pa nanay ko.
balak po ipamana ng nanay ko sa aming magkakapatid ang lupang natitira or the proceeds of its sale)
ang problema po ngayon ayaw po pumayag ng tito ko na ibenta yung lupa.
gumagamit siya ng unfair advantage porke sa kanya nakapangalan ang titulo. binanggit po namin sa kanya (thru text) ang intention namin na ibenta na ang lupa, pero hindi po siya nagreply. wala pong garantisadong paraan para makusap namin siya ng personal.
1. pwede po ba isanla ng tito ko yung lupa kahit na nasa nanay ko ang legal documents?
2. pwede po ba siya padalhan ng summon as soon as possible or pag dating ng period na ibebenta na yung lupa? to compel him to come & pumirma (para miabenta na yung lupa); is there such a legal thing/term na "positive/legal coercion"?
pano po ba ang proseso para sa pagkuha/paggawa ng summon or demand letter?
problema po hindi namin alam address nya (pero alam namin yung city kung san siya nakatira).
3. mayron din po bang 'obstruction of due process'? pwede po ba namin gamitin yan or 'obstruction of justice'? kasi hinaharangan po nya yung proseso na maibenta yung lupa kung san ang may tanging karapatan ay ang nanay ko.
4. ayaw na namin po sana pakomplikahin yung proseso (going thru court), hanggat maaari extra-judicially na lang resolbahin (to avoid tension & rift within our family). kung sa legal na paraan, ano po ba yung pwede namin gawin (from least to most laborious-expensive solution)
wala po kaming trabaho ng nanay ko (we earn via "sideline business" lang)
5. ano po ba yung legal term para sa/related to 'connivance'? accessory to the crime? kasi kakunchaba ng tito ko yung nakakatanda nyang kapatid sa pagdedecisyon tungkol sa lupa ng nanay ko.
6. may bahay po ang 2 tito ko (excluding the deaf-mute) sa lupa ng nanay ko. kapag nabenta po yung lupa, legally required po ba na bayaran ng nanay ko ang gastos dun sa pagpapatayo ng bahay nila? (we dont have evidence, & what if they dont have proof kung magkano nagastos nila for the house constructions)
bukod dun , may iba pa bang dapat bayaran ang nanay ko sa kanila? they lived there (rent-free) for many years.
in this case, ang lupa ng nanay ko, ito ba ay kinoconsider na 'property in usufruct'?
7. ano po yung 'quieting of title'?
8. kung pupunta kami sa barangay, ang concern ko po ay kakilala/kaibigan ng isang tito ko (yung kakunchaba ni deaf-mute tito) ang brgy. chairman dito.
9. another issue po:
may batas po ba na dapat sustentuhan at alagaan ng mga anak ang magulang na matanda/mahina na? kasi umiiwas po sila (4 of 6 siblings) sa gastos at pag-alaga. pwede po ba sila hingian ng monthly financial support as an obligation?
isa po sa malaking dahilan sa pagbebenta ng lupa ay para may emergency fund/maipanggastos kami sa lola ko na may sakit/matanda na. nahospitalized na po kasi lola ko dati.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!