Patay na po tatay nmin tpos binenta po ng nanay ko ung ancestral haus namin sa ate ko na nasa abroad para dw di po pag-away awayan ng mga anak, ayaw po nmin pumayag ng iba kong kapatid kc ancestral haus nmin ung bahay pero tinakot po kami ni nanay na wala daw po kmi magagawa kung gusto nya ibenta bahay at di nya kami bigyan ng mana.
Pero di pa rin po kami pumayag, ang ginawa po ni nanay at ate ko na kailan lang po namin napag-alaman na sinuhulan po pala nila kapatid naming pinakamatanda para pumayag na kami na ibenta para dw maayos na gulo ng pamilya mapilit po kasi sila, at sabi po nila nanay at ate ko na bibigyan na daw po kmi ng mana na 50k bawat isa, at sabi din po ng ate ko na mas maganda na sya na makabili at alaala daw ksi ng tatay namin itong ancestral house. Dahil po sa paggalang sa nanay namin, sa nakakatanda at sa sinabi ng ate ko na maganda na sa kanya mapunta para mapangalagaan alaala ng tatay nmin napapayag po nila kami. Pinapirma po nila kami sa harap ni atty. Espino pagkabigay ng 50k.
2008 po nangyari ung bentahan at pirmahan, pati na rin po paglilipat ng titulo sa pangalan ng ate ko. Pero lingid po sa aming kaalaman na may apat pa po pala kaming mga kapatid na di nakakaalam dahil nasa abroad sila at di nila sinabi, kaya apat pa po yung walang pirma hanggang ngaung 2015 pero nalipat na po sa pangalan nya ung title.
Eto na po ang problema ko, kinuha ko po 50k ko at umalis ako samin nag bisnes ako at nagsikap at tumayo sa sarili kong mga paa nahihiya po kasi ako sa sarili ko na kinuha ko ung mana ko tpos aasa padin ako sa kanila. After 5yrs nagpunta po c nanay sakin at umiiyak dahil ang nangyari po pala sa perang 1M na pinagbilan ng ancestral haus, ay inutusan po ng ate ko isang kapatid namin na kunwari uutangin nya ung pera para ma-itago ung 1M.
Kaya naglayas po nanay ko at bumalik nalang ulit sa ancestral haus na binenta nya sa ate ko (umalis na po kc sya sa ancestral haus nung binenta nya). Kaya't napilitan po ako na samahan sya at iwan bisnes ko ng maalagaan sya 76yrs old na po kc sya at na-mild stroke awang-awa po ako sa nanay namin, napilitan na din po ako na gumastos sa mga needs nya hanggang pati savings ko naubos na.
Inalagaan ko po sya kahit di ko na naisip kung ano pa kahihinatnan ng buhay ko para sa knya, aminin ko po na 3rd sex ako at single kaya malaki po pagpapahalaga at pagmamahal ko sa nanay namin.
Pero yung ate ko po na nakabili pumayag naman po sya na tumira ulit kami dito nung 2013 at para maalagaan ko c nanay.
Pero ngaun po dahil lang sa di ko nasunod ung utos nya na samahan c nanay sa anniversary ng el shaddai dahil sa dahilan kong matanda na at maysakit c nanay at libong tao nandon, at isa pa po may commitment po ako sa choir. At di ko rin nasunod na pagbingguhin c nanay.
Nagalit na po sya sakin. At pinapalayas na po ako dito sa ancestral haus. Si nanay kinuha na rin po nila. Di nmn po ako makaalis kasi wala na po akong savings at matitiran.
Ngayon po pinapapicturan nya na po itong bahay para maipagbili, tapos binarangay po ako at dinidiscriminate pagkatao ko (3rd sex) at tinatakot na po nya ako na gagawin nya ang lahat at idedemanda para mapalayas dw ako sa pamamahay nya dahil 2008 pa dw nalipat sa pangalan nya itong ancestral haus.
Please help me di ko na po alam gagawin ko. Ty in advance po sa mgbbigay ng advice.