Let me start the story this way. Nakitara po kami sa isang lugar na dati pong Goverment owned Property. Ang lolo ko po ang unang nakatira sa nasabing property. May roon po siyang 6 na anak. By that time it's still Government Property. Before my grandfather died he said that he'll give the land/home to her two daughters and that's my mom and their youngest sister and it's verbal and that time he doesn't have a land title. When my Lolo, we divided it into two portion, to my mom and to their youngest sister. I think by the year 2000 the land was granted by the Quezon City Government to us and to my aunt, but we need to pay for that so we can have the title of ownership. We paid it and that's why we now have our Title. Sa mga panahon po na yon, pumanta po sa amin ang nakatatanda nilang kapatid na babae upang makitira sa amin. Napagkasunduan po ng Mom ko at nung bunso nilang kapatid na patirahin silang mag-asawa at isang anak sa itaas na bahagi ng aming bahay at sila po ang mag-papaayos ayon po sa napagkasunduan. Ngunit sa kalaunan ay nagkaroon po ng mga problemang pangpamilya. Nagagalit po ang Mom ko dahil hinde lang po sila ang tumira kung hinde pati rin po ang mga anak nyang mayroon na ring sariling pamilya ng wala man lang abiso sa amin. Nangyari po ang ganitong sitwasyon ng maraming beses at hinde po sila nagpapaalam na doon titira ang mga anak nya na may asawa. Dahil po sa ganung sitwasyon ay gumawa po kami ng kasunduan na hinde nmin sila paaalisin provided na silang mag asawa at isang anak na dalaga ang titira which is yon naman ang sinabi nila. Ayaw po nilang pumayag dahil pinipilit po nila na mayroon po silang karapatan. Kinukwestyon din po nila ang pagkaroon namin ng Titulo. Anu-ano po ba ang kanilang karapatan? Dapat din po ba na singilin nila kami sa ginastos nila sa pagpapaayos ng bahay, gayung wala naman po silang binabayarang upa sa amin? At may karapatan po ba kami na paalisin namin sila? Napag usapan po kasi namin na hinde po kami magbabayad sa kanila at kung gusto po nila ay gibain na lang po ang pinaayos na bahagi? I hope that you can answer my questions. It will be a great help. Thank you in advance.
Free Legal Advice Philippines