Hi Atty., May problema po ako sa Globe postpaid account ko. My plan is PLAN 349 sim only *no handset: no lock-in period. Nagstart po ako maging subscriber nila Last October 2010, Last ko po siyang nagamit JANUARY 2011, pero nagkakaroon pa rin po ako ng bill every month kahit di ko nagagamit. Tinawagan ko po yung Globe hotline nung MAY at nakausap ko yung isang account officer, at sabi po niya, kaya raw po patuloy akong nakakareceive ng bills kasi hindi raw po ako nag request sa kanila ng TEMPORARY DISCONNECTION .
Ang sabi ko naman po sa officer, paano pa ako magrerequest kung hindi ko na nga sya magamit pantawag sa ibang numbers, then ang sabi po niya dapat raw po ay mag request pa rin dahil nakakareceive pa naman po ng incoming calls yung sim ko. Napa-OKAY nalang po ako at nung kausap ko siya ng time na yun nag request na din po ako ng DISCONNECTION ng account ko at nung sinabi na yung outstanding balance na P2,186.36 para sa month of JAN-MAY. Nagrequest naman po ako ng 2months para mabayaran yun , kaya may deadline hanggang JULY 2011 at yung naging agreement at sinabi ko nga po na babayaran ko kahit alam kong LUGING LUGI AKO .
PERO nitong month of JUNE may bill nanaman na dumating +349 sa P2186.36 at naging P2535.36 na po yung babayaran ko. Itinawag ko nanaman po sa Globe hotline at ang nireklamo ko , pinacheck ko yung agreement namin nung last officer na nakausap ko at nakita po sa records so i disregard ko nalang raw po yung bill ng JUNE. Tapos po Atty., Ngayong araw po na ito June 28, 2011 tinawagan ko yung hotline nila para itanong ko ulit yung exact date ng deadline para sa babayaran ko na P2186.36 , pero iba nanaman ang sinabi sa akin ng agent , naging P2,884.36 raw nanaman po ang dapat ko na bayaran. PINACHECK ko po ulit yung agreement namin nung officer na nakausap ko dated MAY 2011 at ang sabi po sa akin WALA RAW PO NAKARECORD NA GANUNG AGREEMENT SA SYSTEM NILA AT ANG LAST KO PO NA TAWAG NA NAKARECORD SA KANILANG SYSTEM AY JANUARY 2011 PA. PERO pinagpipilitan po CSRepresentative na wala talaga sa record nila. Ang mali ko po NAITAPON ko po yung papel na pinagsulatan ko ng REFERENCE# ng report sa agreement namin ng account officer.
Sa ngayon po napagisip isip ko na hindi ko nalang po bayaran kasi masyado na syang malaki at SOBRANG LUGI NA AKO SA KANILA KUNG BABAYARAN KO PA RIN. PERO kung pababayaran lang nila ay yung P2186 papayag pa po akong i settle yun. Ano po ang advise nyo sa akin at ano po ba ang pwede ko na isumbat sa kanila dahil ako na nga po yung nalugi ako pa po yung magkakaroon ng masamang record sa Globe Telecom. Thank you very much po Atty., sana po ay mabasa mo itong case ko .