Good day po.. Nagkakilala po kmi ng asawa ko ng 18yrs. old ako at 25 yrs. old nman sya.. Naging magkasintahan kmi ng mga 3 mos. Dahil sa mahal namin ang isa't isa, may ngyari samin, at dhil don nbuntis po ako. kaya napilitan kming magpakasal.. Kinasal po kmi ng husband ko nung May 2000 sa huwes, sa mga ilang buwang pagsasama maayos naman kming namumuhay pero simula ng bagkaron kmi ng anak at nwalan sya ng work.. dun na nagsimula ung pagaaway namin.. dahil sa wla na syang trabaho, nakuha nya pang magiinom at magbabarkada.. Nang mkahanap sya ulit ng work, lalong lumala ung pag kaadik nya sa alak, madalas syang umuuwing lasing at minsan ndi pa nagpapaalam kung san sya naroroon.. Kya dahil don, may mga times pa sinasaktan nya kming mag-ina at nalaman ko pa na nakikipagrelasyon pa sya sa iba.. Kaya di na ko nkatagal at hiniwalayan ko sya, bumalik ako sa mga parents ko ng July 2003.. After 3yrs, naming magkahiwalay, may nakilala akong ibang lalaki na tumanggap sakin, nagpakasal ulit ako sa lalaking ito last 2006 at nagkaron kami ng 2 anak. tanong ko lng po, magiging valid na po ba ung 2nd marriage ko pag na-annuled na kmi ng una kong husband? tutal nman po may ibang pmilya na din po ung una kong asawa. sna po matulungan nyo ko.. thanks po..