Ang tanong ko po, ano po ang pwede kong gawin? Wala po akong nalalabag sa anuman sa nakasaad sa kontrata at on time po ako makabayad sa renta ko. Masyado na po ako marami ipinaayos dito upang maging maayos na klinika at ang sabi po ng may-ari ay deposito ko lang ang ibibigay nya subalit hindi ang ginastos ko sa pagpapaayos dito. Hindi ko rin daw po pdeng kuhanin alin man sa mga ipinaayos ko dito kahit iyon po ay hindi bawas sa upa. Paano naman po ang ginastos ko at ang karapatan ko bilang nangungupahan at ano pa po ang silbi ng kontarata namin?
Masyado na po ang landlord namin, pati po resibo nya ay isang pinunit na papel lamang. Wala rin po akong kuntador na sarili kahit yun po ay napag-usapan namin bago pa magkapirmahan. lahat po ng panggigipit ay ginagawa nila.
Maraming slamat po at sanay matugunan po ninyo agad ang letter ko.