May pamana po ang aking ama sa akin from irensiya. Pinaghatian po namin ito sa apat dahil patay na po aking ama kaya sa akin napunta ito. Apat po silang magkakapatid at isa na lamang po ang nabubuhay.
Ang tiyahin ko po ay nag ampon ng 2 at ang isa po dito ay pamangkin niya. Nakapag asawa po ng Amerikano ang isang ampon na babae.
Ang isa ko pong tiyuhin ay nagdesisyon na ipagbili ang parte nito sa babaeng ampon na may asawa na. Nagpagawa po sila ng extrajudicial settlement with absolute sale, nag nagsasabi ng pinagbili din po ng aking tiyahin ang kanyang parte sa kanyang ampon ng babae, na wala po ito sa usapan namin. Pinatituluhan ng babaeng ampon ang irensya na wala sa usapan. Hindi po ako pumirma sa extrajudicial settlement na ito dahil ang buong pagkakaala ko po ito po ay para sa tiyuhin ko lamang na pirmahan, at ang pagkakaalam ko po deed of sale, sila lng ang pipirma at hindi ang boung kaanak nito. Masyadong ng malayo ang narating ng problemang ito dahil naghahabol din po ang ampon na isa sa mana ng tiyahin ko. Ano po ba ang dapat kong gawin para maiayos ito? Ang sabi ng asawa ni tiya (ina ng ampom na babae) na, wala naman daw silang nahawakang pera sa pagbili ng parte ni tiya sa ampon na babae. Binasa ko po ang extra judicial na ito ng mabuti kaya hindi po ako nakapirma at ito po ang pinagkakaguluhan ngayon. Humihingi po ako ng advice...
Tulungan po ninyo ako!
Marami pong salamat!
TSDS