May katanungan po ako tungkol sa bakanteng lote nabili ng aking Nanay. Si tatay po namatay na noong nabili ni nanay ang lote. Ang mga sumusunod ang aming sitwasyon.
1. Ang nabili pong lote ni nanay may Deed of Absolute Sale pirmado po ng nagbenta sa kanya.
2. Si Nanay po inoffer sa akin na bilhin ang lote na nabili niya noon with Deed of Absolute Sale only.
3. Bago ko po sana bilhin ang lote ni Nanay nais ko pong magkaroon ng sarili land title na nakapangalan sa aking Nanay.
4. Ang problema po namayapa na ang taong nagbenta kay Nanay ng lote.
Anu-ano po ang mga opsyon na pwede naming gawin para mas madali naming maayos ang land title. Ito po ba ay magkakaroon ng Extra Judicial Settlement of Estate with Sale? Anu-ano po kaya ang mga proseso nito?
Maraming salamat po sa inyong tulong. God bless you po.
Lugod na nagpapasalamat,
Marivic