Good day po. Meron kaming limang property sa bulacan. tatlo doon ay ibebenta at aabot ng 3 hectares. Namatay mother ko 18 yrs ago. ngayon ibebenta na namin. Meron kaming ahente, sabi nya per estimate nya, aabutin ng 6M ang babayaran sa estate tax kasi patong2x na ang penalty. 1st question, ganun ba talaga kalaki babayaran namin? Sabi rin ng ahente na sila na daw maglalakad sa bir sa QC kasi may contact daw sila dun. 2nd queation, pwede ba magpa compute sa QC kahit nasa bulacan ang property? at sila na daw ang magbabayad para hindi kami maabala. Nasa U.S. ang father ko at kapatid, kaya pinapakuha sila ng spa na may red ribbon at ipinangalan sa akin. Pero limang spa na may red ribbon ang pinapakuha kasi lima daw ang property. 3rd question, kailangan ba per property may spa kahit tatlong property lang ang ibebenta? at yung original daw ibigay sa kanya? 4th question, do you think scammer ang ahente namin?