Hi atty. pwede po bng maging evidence yung mga post sa facebook wall. May pinsan po ako na idinidemanda sya nung asawa nya sa kasong abandonement and adultery at ang ebidensya daw po ay yung mga post ng pinsan ko sa facebook wall nya. Nagulat na lng po kami dahil unang una po, wla pong facebook account yung pinsan ko, maaari po bang gumagawa lang ng storya yung asawa nya at sya ang gumawa ng account na yun para mas mapalabas nya na masama yung kaibigan ko? Pno po namin mapapatunayan na hindi po yung pinsan ko ang nagpopost ng kung ano2 sa cnasabi nilang facebook account ng pinsan ko dahil wala nga po syang facebook account? May print out pa daw po sya nung mga posts sa FB wall at yun dw po ang ebidensya nya. Nagpopost daw po yung pinsan ko na may iba na sya st kinakalimutan na daw po nya yung asawa at mga anak nya. Ang totoo nga po yung asawa pa nya ang mahilig mspost ng kung ano ano sa FB wall nya, hayagan pa po nyang pinapakita dun yung mg comments and chat nya dun sa sinasabi nyang BF nya na nasa ibang bansa. Halos mag - iisang taon na po silang magkahiwalay ng pinsan ko at cmula noon ay hindi pa nya nakikita ang mga anak nya dahil hindi po sya mkalapit sa mga ito. Halos pinagtulungan po kasi siya nung asawa nya at nung byenen nya at grabe po yung inabot nyang pananakit dun sa dalawa nung minsang hindi nya maibigay ang mga gusto ng mga ito, buti na lng po ay may tumulong sa kanyang kapitbahay para mkatakbo at yun po yung huling beses nilang nagkita. Ilang beses nya pong sinubukang makita yung mga anak nya kaso ayaw po syang papasukin ng gwardia sa subdivision nila dahil malilintikan daw po sila dun sa asawa nya. Tingin ko po ay sobrang insecure nya lang po dun sa bagong kinakasama ng pinsan ko kya nagdemandya siya, pati po yung babae ay dinemanda nya rin for adultery daw po. Ano po ang pwedeng gawin ng pinsan ko? Malakas po ba ang laban nung asawa nya?