may binenta po kaming lote last march 2011 for 82sqm.gumawa po kami ng deed of sale then binayaran po namin yung capital gains tax sa BIR last march din. so naibigay na po namin lahat ng documents and hinihintay na lang namin yung certificate authorizing registration para sa transfer ng titulo sa registry of deeds.
last april nag usap po ulit kami ng buyer na 71sqm nalang daw yung bibilhin niya. so nagtanong po kami sa attorney sa BIR if pwede pa bang palitan yung mga details ng bentahan (di pa napipirmahan yung mga papeles para sa CAR). sabi niya oo, gawa lang daw kami ng bagong deed of sale and ipasa ulit namin. sabi ng taga BIR di na daw namin mababawi ng nabayaran na capital gains, pero ok lang sa amin basta masunod yung bagong deed of sale.
yesterday lumabas yung CAR, and ang sinunod na sukat is yung 82sqm. ask ko lang po if may paraan pa para ang masunod is yung bagong deed os sale? di kasi namin maipalipat yung titulo kasi mali yung sukat sa CAR.
sana po matulungan niyo ako.