hanngang sa namatay ang lolo at ang uncle ko. nag pasalit salit ng sangla ang palaisdaan na may term na 10 years. itong huling pagkakasangla nag decide ang nanay ko na gusto daw nyang pakinabangan naman ang palaisdaan. dahil sa 8 magkakapatid 2 nalang silang buhay at yung isa ay wala na sa tamang pag iisip dahil sa katandaan.
biglang umaapela ngayon yung hipag ng nanay ko na asawa ng uncle ko yung unang humawak sa palaisdaan. na kailangan daw mabalik sa kanila yung palaisdaan dahil sa sila ang nagpaayos at may kulang pa ng 6 na taon.
ang sabi ng nanany ko di naman daw nya itinatanggi na sila ang nagpaayos ang gusto lang niya ay mapakinabangan din nya ang palaisdaan habang buhay pa sya. pero ipinipilit ng hipag nya na kailangan munang bumalik sa kanya. alam namin na equal rights meron silang pareho. pero tama ba na maghabol sya doon sa 6 na taon na sinasabi nya na ang nakakaalam lang naman ay yung mga namatay na na tao. o pwede po ba na ang nanay ko muna ang gumamit ng palaisdaan? kasi po sya ay kasalukuyang nirereklamo ng mga hipag nya sa baranggay nila?
sana po ay mapagpayuhan nyo kami bago kami humarap sa kanila..
maraming salamat and God Bless!