Issue po to regarding personal na nauwi sa office related case. I have a friend na may utang ako at dahil friend ko siya at sa utang, nag offer po ako na kung gusto niya mag apply sa work na bago kong pinapasukan, tutulungan ko siya kung gusto lang niya. After a week tumawag ang HR sa kanya 3 times at ayaw niya sagutin. To make the story short, cancel na lang. Before po niyan, meron ako pinadala sa kanya isang simple conversation about sa training na may attachment na passport information ng isang employee namin proof na pinapadala sa ibang bansa ang process owner than team leader. Late July last year dahil nagkaroon na kami prior personal issue, yung email na yun pinadala niya sa boss ko at sa ibang boss ng company. Nagkaroon ako ng written notice to explain at sinagot ko po yun in good faith na walang message from me yung forwarded email. May binanggit po siya dun na maybe I am a threat to my company and I brag for something. In the end, tinanggi niyang wala daw kami personal na issue but gusto niya lang i-notify ang employer ko. With that, meron ako dapat administrative hearing sa HR namin that time. Since probationary pa ko and under performance review may pumutok na ganun issue na dapat daw termination agad at hindi nila ako pwede i-regular.
With that po ba attorney, ano ang pwede ko i-resbak sa nanira sa reputation ko sa employer ko?
Thanks po sa advise.
Angel