Ang nangyari po kasi ay nakahiga ung kapatid ko at natutulog at naghihintay po dun sa pagupitan dahil magpapagupit po ng buhok ng lumapit ung 32 yr old at ginigising ng suntok ung kapatid ko. Eh nilalagnat pa nga po ung kapatid ko nun at ginising pa po sa suntok nung 32 yr.old na lalaki hangang sa nagaway na at dinikdik ung kapatid ko sa pader at nung umuwi po sa bahay nila ung lalaki kumuha ng pamalo na sulo at pinagpapalo ung kapatid ko. Sinasangga nmn po ng kapatid ko ng kamay nya hanggang sa pinukol po ung kapatid ko nung sulo at nung nahawakan ng kapatid ko ung sulo,pinalo po nya dun sa lalaki so ung lalaki nagtamo po ng sugat sa ulo.
Tapos pinahuli po sa pulis ung kapatid ko at nung nagpunta po samin ung pulis, ang sabi lng po ay magpapaliwanagan lng daw po dahil nakakahiya lng daw po dun sa tumawag sa kanila.Yung tumawag po ay ung isang mayaman na may ari ng waterstation na pinagttrabahuhan nung 32 yr.old na lalaki bilang delivery boy. Pero hindi naman po sa lugar nila nangyari ung insidente. Nung nasaka na po sa police patrol ung kapatid ko kasama ung nanay ko, nakita po nila na ung mayaman na may ari ng waterstation, binigyan ung mga pulis ng dalawang bote ng mamahaling alak at saka po mga softdrinks ung mga pulis.
Nung nahatid na po sa munisipyo ung apatid ko, at pagsunod ko po dun sa kanila ay nkita ko n nga lang po na nakakulong ung kapatid ko dun at nang tinanong ko ung mga pulis ay sinabi nga po n hindi naman daw un nakasara. tama po ba ung ganun na ginawa ng mga pulis..
Pinalabas na lng po cya dun nung nagreklamo ako sa hepe ng pulisya...at ginawan na po agad nila ng papel ung kapatid ko at attempted murder ung
nilagay nila samantalang sa knila naman nagsimula ung gulo. un nga lng po ay ung sa knila ang nasugatan.
Naiiuwi rin naman po nmin ung kapatid ko dahil binigay pa rin po cya ng dswd sa custody ng nanay.
Nang sumunod na araw at dinala na po agad sa piskal ung papel ng kapatid ko pero pinabalik po ng piskal sa munisipyo samin dahil slight physical injury lang naman daw po un at kung tutuusin ay pang
barangay hall lang daw po.
Pero parang gusto pa rin pahabain nung kabilang panig, may laban po ba kami dito sa tingin nyo po..