Regarding po eto sa case ng father ko, before po kasi may kinausap syang tao na mag-aayos ng retirement nya sa GSIS ngayun po binigay nya ung mga documents nya like service records etc..
Magkakilala po sila ng tao na to kaya nagtiwala sya.
Ngayun po nung nagfo-follow up yung father ko dun sa tao na yun ang sabi wala daw na-claim. Then namatay na po yung father ko kaya nabalewala na namin etong pinapaasikaso nya, kaso po last week may nareceive po kami sa GSIS na letter na may issue silang cheque amounting to 36k last January 2010 at ngayun po naghahabol ung GSIS na nagkamali sila ng computation at ang difference po ng pagkakamali ay 15K. Pero wala naman pong nakuha yung tatay ko na ganung halaga dahil that time weak na sya sa sakit nya na cancer.
Ano po kaya ang pwede naming hakbang para kasuhan yung tao na kinausap nya dito.
salamat po