Ang nakadeclare lang po sa titulo ay lupa at iyon lang po ang ibinebenta sa amin ng may-ari. Ayon po dun sa broker na nag-aasikaso ng mga papeles namin (para sa transfer of title, Pag-ibig loan, etc) may dalawa (2) daw po kaming option:
a) ipa-demolish sa city engineering office yung bahay para ma-isyuhan ng Cert of No improvement
b) ipa rehab ang bahay tapos magsusubmit sila ng cert of completion pag natapos yung bahay at pwede na daw kaming tumira..
Ito po ang tanong ko (option b ang pinili ko):
1) legal po ba na mag paconstruct/rehab kami ng bahay dun sa lote kahit in process pa yung loan namin. Note: nakapagdown na po kami dun sa may-ari. At may pipirmahan daw po kami na Oath of Undertaking na isusubmit din sa Pag-ibig (in lieu of the cert of no improvement)
2) hindi ko po alam kung naaayon sa ruling ng Pag-ibig yung gagawing pagpapaconstruct (hindi pa po ako nakakapag-inquire sa Pag-ibig dahil nung seminar ang alam ko, house and lot ang bibilhin ko kaya hindi ko naitanong ang tungkol dito).
Salamat