Atty,
Good Day po!
Need your help and advise..Natatakot po kasi ako. Simula Sept 14, 2010 ako po ay nag trabaho bilang seafarer.dahil sa sama ng loob ko sa asawa ko na pinalayas nya ko sa bahay nila at hindi na po kami nag sasama simula nung May 2009 at hindi niya po pinapahiram sa akin ang mga anak ko.Gumawa po sya ng kasulatan na kami ay separated, Dahil sa dinamdam ko po ang paghihiwalay namin,namuhay po akong mag isa. Nov. 2009 sa hindi inaasahang ako ay nakabuntis at nag kaanak, isinunod ko sa aking pangalan.Upang makapag ayos ng buhay at makaipon ako sana pang annulment,Pansamantala, hininto ko po ang komunikasyon at sustento sa wife ko at 2 anak ko dahil sa sama ng loob ko na hindi ko naman nakakasama ang aking mga anak at sa pag balik ko plano ko muling ayusin sila.Nov. 2010 nabalitaan ng wife ko na nagkaanak ako sa ibang babae habang ako ay nasa abroad.7 months natapos ko ang aking kontrata, nakauwi ako ng Pinas April 19,2011.May 14,2011 sinubukan ko aregluhan ang asawa ko at nakapag cooperate naman po siya thru fon.Pinadalhan ko siya ng aking naipon para sa knila ng mga anak ko sa account niya ng P15,000 bilang pag sisimula muli ng aking sustento sa kanila at maayos na relasyon.Ngunit huli na pala ng may mareceived ako na subpoena, at may case na complaint nya sa akin ay Abandonment in relation of RA 7610? Isinulat niya din doon ang pag kakaroon ko ng anak sa ibang babae. May laban po ba ako sa case niya? Ako po ba ay makukulong?Tinatakot niya ako na sasampahan nya ako at babaeng na nabuntis ko ng concubinage? May flight po ako sana ng June 15,2011 upang ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa cruise ship. Handa naman po akong mag sustento sa kanila sa abot ng aking makakaya. Ngunit Iniintimidate ako ng wife ko sa telepono, gusto nya makuha ang lahat ng suweldo ko?Panu naman po ako at ang anak ko sa ibang babae na may rights din sa support ko? Please po kailangan ko po ang advise ninyo..Ako ay may hearing sa darating na June 2 at June 9, 2011. Kung makukulong po ako at mawawalan ng trabaho paano po ako makakapag support sa aking mga anak at makakaipon par amakapag file ng annulment against sa wife ko?