1) yes the texts messages i sent. Out of extreme anger yung natext ko kasi may nakita akong pregnancy test strip sa isang bagay na araw-araw nya ginagamit. i tried to control my anger because it was either used for my baby boy 3 years ago or nde. pero sobrang bagong bago ang itsura nung test strip. i sent a text message to her, to her mom and one of her friends saying na nabuntis ka pala at nagpalaglag ka dahil sa pregnancy test na yun. inamin ko naman afterwards na galit lang ako nun pero everything is thru texts lang. wla nmn kami communication at d nmn sya nagrereply.
2) although wala talaga communication from her, 2 months is enough for abandonment?
3) ngaun yung eldest ko na 6 years old nabubuhay sa takot. ayaw nyang malayo sa akin silang magkakapatid. pag tumunog ang gate namin, natataranta sya sa pagsigurado na nakalock na mga pinto. nakatira kami sa isang malaking bahay na halos walang gamit talaga. dining table namin sa sofa na sira-sira. nagiiiyak yung anak ko nung makita nyang sinakay sa truck mga gamit sa bahay. nung nagpunta inlaws ko nung wala ako nagtago sa likod ng upuan at nagiiiyak na sya dun at tinatawag ako. hanggang dumating ako umiiyak sya at nanginginig sa takot. nilagnat sya kinabukasan. yesterday na tumawag nmn sister inlaw ko at pinipilit ako na ibigay ko mga bata sa kanya para ibili daw nya sa mall. nagiiyak na anak ko kasi ayaw nya tlga. Never sila nakarinig sa akin na d ko ibibigay mga bata. Ang may ayaw yung anak ko and i know minor pa sya para magdecide d ko rin nmn sila ibibigay kung ayaw nila ibigay ko sila kahit sa nanay nila.
4) kung ang tatay ang gumawa nito ang daming pedeng ata ikaso like Psychological Violence, etc. kaso nanay ang gumagawa nito at nakakaharass na talaga sya. Wala naman ako makita na pede ikaso sa nanay dahil lahat ng batas para sa kanila nde sa tatay.
Here's the list na pinagdaanan namin ng mga anak ko:
*inabandona for 2 months na
*no communication na kahit ano
*pinagtabuyan nya kami sa bahay ng tita ng wife ko 7 days after nyang umalis
*7 hours kami naghintay sa mall para makausap sya para ayusin or tapusin na
*bigla syang magtetext na kukunin nya mga bata kahit anung mangyari na nakakacause ng stress sa buong bahay dahil d na kami makakilos or mabuhay ng normal
*magtetext mga inlaws ko magdemanda sila ng child custody at libel
*may anak kami na pagnagkasakit d namin pede kami ang magpapainom ng gamot kailangan doctor. twice nagkasakit ng tig 4 days at wala talaga syang pakialam
*pinahakot nya mga gamit namin sa ibang tao
*naiwan kami sa bahay na walang sofa, dining table, pinggan, baso, ref, etc.
*nagpunta inlaws ko habang wala ako para kunin mga bata para iuwi sa province - i never said no kasi alam na nila sagot ng anak ko
*tumawag sister inlaw ko pinahahatid mga anak ko hihiramin daw nya pero nadulas na dadalhin sa province para sa reunion
stressed na ako at mga anak ko. 1 week na ako gumagawa ng way para d na umabot pa na ipresent ko mga bata sa korte sa child custody kaso ayaw tlga nila gusto nila ipagyabang ang pera nila. tinadtad nila text mother ko na pupunta daw sila ngaun kasama ang baranggay at dswd. Hinayaan ko na lang at pumasok ako sa trabaho bahala na ang diyos. ngaun pinapanuod ko sa webcam ang loob ng bahay namin at nakikita kong d normal ang buhay nila dahil nakakulong sila sa bahay at andun yung takot na kukunin sila ng taong inabandona sila.
Anu po ba pede kong gawin? I know slim to none ang chance ko manalo pag lumaban ako sa child custody case pero panu mga anak ko na ayaw na sa kanya at halos gabi-gabi kami nagiiyakan na wag ko sila ibibigay. umuwi daw ang nanay nila wag silang kunin. Wala ba ako pede ifile na kaso para tumigil sa panghaharass sa mga bata. Naguutos sya ng ibang tao para kumuha sa mga bata kasi d nya kayang humarap sa amin kasi alam ko na nagloko sya. Pinalalabas lang nya na napuno na sya sa akin.
Please enlighten me para na rin sa mga anak ko. 2 months na akong single parent at double lahat ng efforts ko dahil tagasalo ako ng damage para d maapektuhan mga anak ko sa bawat ikilos ng family ng wife ko.
D na kami makapagmove on kung mabubuhay ba kaming magkakahiwalay or makakasama pa.