may nais lang po sana akong isangguni sa inyo..ano po ba ang ibig sabihin ng resolution? ano po ba ang susunod na hakbang kapag ang isang tao po ay makatanggap ng resolution?
tulungan po sana ninyo ako kasi wala po akong alam sa batas... ganito po kasi yun...ang pinsan ko po ay dinemanda nang kasong rape..na wala naman pong katotohanan. na ang pambibintang nila ay puro lamang po gawa gawa nila...dahil po sa inggit...
una po, nagreklamo sila sa baranggay ng ibang kaso.. .hindi po pumunta ang pinsan ko nung padalhan sya ng sub poena.. ang kaso na nasa baranggay ay confrontation dahil sa away po sa hatian sa bahay na common house kung baga....nito lamang pong bago lang, nakatanggap ng resolution ang pinsan ko at ang kasong ibinibintang ay rape.... tulungan po sana ninyo ako dahil hindi ko po alam aking gagawin dahil wala nga po akong alam sa batas.. naaawa na po ako sa pinsan ko..dahil lang po sa inggit, pinaratangan ng kung ano ano..
hihintayin ko po ang inyong sagot at marami pong salamat