Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Sat May 14, 2011 5:05 pm

ocir05142011


Arresto Menor

Magandang Araw po sa Lahat, I need Advice:
SANA PO PAG TIYAGAAN NYONG BASAHIN PROBLEMA NAMIN NG PAMILYA KO.

On May 2000 my brother in law po ay nagka problema sa mga utang niya sa mga Lending Companies. Nakatira po ako with my family sa Samar at ang bayaw ko nakatira sa Cebu. Dahil sa problema nya sa mga utang ay inalok niya kami to buy part of his lot with an area of 23 sqm at P3,300 per sqm = P75,900. Napakagande na daw ng offer nya dahil ang market value at that time in Cebu City is P25,000 per sqm at maganda daw ito para sa mga anak ko someday. Wala daw problema dahil may mga papeles na siya sa lupa nya and sabi pa niya ay hindi pa pwede namin magawan ng deed of sale dahil ipa survey pa daw niya. Ang gagawin lang daw namin ay Letter of Agreement na binili ko lot nya. Dahil wala kaming cash na P75,000 para mabili namin lot nya, ang nangyari ay partial payments lang para lang mabayaran mga utang nya. Dahil sa kagustuhan naming makatulong sa kanya at dahil na din sa trust namin sa kanya ay pumayag kami at hindi na namin na verify ang status ng lot niya. Ang lahat na sinabi ay in the letter sent to us with attached copy of letter from a lending company addressed to his wife reminding of their utang.

On his next letter to us, may mga sinabi na siyang hindi maganda sa lupang hinuhulugan namin sa kanya. Hindi daw pala mangyayari na maibenta niya sa amin ang lupa nya dahil hindi kami member ng Association nila. Ang alternative na offer niya sa amin ay magpagawa kami ng bahay sa itaas ng bahay nila then after 15 years ay sa kanya na para daw para hindi magalit ang Association at after 15 years e refund daw nya kami ng 50% sa cost ng pagpagawa ng bahay namin. Ang total nabayad namin sa kanya ay P60,000 at ito ay sinabi niya sa sulat nya. may kulang kami na P15,000. Nasabi ko sa sarili ko na kung alam ko lang na magkaganito ay sana hindi na kami pumasok sa alok nya.

On April 2002 ay lumipat kami ng Cebu at nanirahan sa isang rented house. On May 2006 ay nag alok na naman ang bayaw ko ng part ng lupa nya, this time 30 sqm at may existing bedroom, C.R. at sala. Inalok niya kami na yung P60,000 na nabayad namin sa kanya ay mag additional kami ng P40,000 para P100,000 lahat bayad namin sa kanya. Dahil wala kaming pera, ang lupa ng wife ko sa probinsya ay ibinenta nya sa isang kapatid nya para mabayarin namin ng P40,000 ang bayaw ko. On May 1 2006 ay gumawa kami ng letter of Agreement na ibenenta nya sa amin ang 30sqm lot with C.R., sala and bedroom. Nakapirma po sa agreement namin ang bayaw ko, asawa nya, Me and my Wife at ang witness namin ay eldest son nila at Father-law ko na who passed away last month lang. Ito ay naka notaryo.

Nag start kaming tumira June 2006, sa kasamaang palad po on September 2009 dahil sa kahirapan sa buhay ay napilitang kaming bumalik sa Samar for survival of my family. We padlock our house leaving majority of our things. A BAD News was sent to us on year 2010 that our house ay pinasok ng bayaw ko, inilabas mga gamit namin at pinaupahan ang bahay namin. ang steel pipe ng water connection namin ay kinuha nya.

Personal confrontation ng wife ko with my bayaw ay nag away sila at ang sabi nya ay wala na kaming babalikan dahil ang pag stay daw namin sa bahay na yun ay bayad lang daw ng utang nila, sobra sobra na daw ang pag stay namin before.

Nandito po ako sa cebu ngayon leaving my livelihood in Samar para lang ma settle ang problema namin sa bayaw ko. Nag verify po ako sa Social Housing Finance Corporation, sabi nila ay hindi pwede ibenta ng bayaw ko ang lupa dahil hindi pa ito nakapangalan sa kanya dahil ito ay naka Community Mortgage Program. Nagbigay ng Certification ang Association signed by their president na wala silang jurisdiction sa problema ng bayaw ko with me dahil ang bayaw ko lang ang member ng Association at ako ay hindi member. First confrontation namin ng bayaw ko sa barangay ay talagang hindi na niya ibabalik dahil bayad lang daw yun sa utang nila. He even challenge me for a fist fight in front of the barangay mediator. On May 27 ay naka schedule po kami sa Lupon. Demand ko po through Lupon ay ibalik sa amin ang P100,000 at ibalik sa amin mga gamit namin sa bahay.

Tanong ko lang po, if ever hindi kami ma settle sa Lupon at mabigyan ako ng Certificate to File in Court:
1) Ano po ang pwede kong e file na complaint sa bayaw ko? pwede po bang estafa?

2) About po sa mga gamit namin sa bahay, ano po pwede naming e complaint? hindi po namin mapuntahan mga gamit namin kung nasaan na dahil baka magkagulon lang. Dati po nagkagulo na at ang tatlong anak niya na lalaki ay nakialam sa gulo, pinasok bahay namin at pinagtatapon mga gamit namin.

3) Ang Letter of Agreement namin ay naka notaryo pero hindi po kami present sa pag notarized ng agreement namin dahil bayaw ko lang po ang nag pa notarized. Wala po bang problema sa Letter of Agreement namin?

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBASA, SANA MABIGYAN NYO KAMI NG ADVICE...

2BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty Re: BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Sat May 14, 2011 6:21 pm

attyLLL


moderator

this all sounds very familiar: http://www.pinoylawyer.org/t4057-my-house-was-use-for-rent-without-permission-from-me

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

ocir05142011


Arresto Menor

Please help I need advice for this. Nag register po ako ulit dahil I forgot my password and na delete ko na confirmation sa e-mail ko.

Last advice nyo po is to refer my case sa barangay, na refer ko na po then schedule na po kami sa Lupon, first schedule is on May 27,2011.

Ask lang po for your advice please, different questions naman po yan from my previous months post.

4BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty Re: BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Mon May 16, 2011 6:35 pm

attyLLL


moderator

charge him with theft for your belongings.

for estafa to prosper, you have to show that he intended to defraud your from the beginning. I do not believe it can prosper.

your agreement is not properly notarized, but it is still binding. leave it up to him to prove the supposed defect.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

5BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty ABOUT THEFT Tue May 17, 2011 2:03 pm

ocir05142011


Arresto Menor

Thank you po for the advice, about po kung mag file ako ng theft wala po akong makuha na witness na nakakita na inilabas nila mga gamit namin dahil magka dikit lang bahay namin at siguro gumawa sila ng butas o pinto dahil dati may pinto papunta sa kanila. Sabi niya sa sister-in-law ko na kapatid niya ay inilagay niya mga gamit namin sa isang kwarto sa likod ng bahay namin na may ibang pamilya nakatira pero part pa rin ng lupa na hulugan nya sa Social Housing. Ang pagkuha nya ng water pipe sa labas ng bahay na connected to a water meter ay may nakakita. Ngayon po ay may nakatira sa bahay namin dahil pinaupahan nila.

1. Ano po pwde ko gawin kung wala akong makuhang witness sa pagkuha nila ng mga gamit namin?

2. Dalawa na po room ng bahay namin dahil ang sala namin ay ginawa nilang room, paano po kung ang mga gamit namin ibinalik nila sa bahay namin at inilagay lahat sa isang room, pwede pa po ba ako mag file ng theft?

Maraming Salamat po.

6BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty Re: BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Wed May 18, 2011 8:11 pm

attyLLL


moderator

if they put it away for safekeeping, i don't believe theft will prosper, but even if you are wrong, you can file a case at the bgy. include the tenant for eviction based on forcible entry.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

7BIKTIMA PO BA AKO NG ESTAFA? Empty MARAMING SALAMAT PO... Thu May 19, 2011 10:49 am

ocir05142011


Arresto Menor

Maraming Salamat Po Atty...

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum