atty,another problem na itatanong ko involve din ako sa cousin ko parin ito,sguro sa sobrang awa ko hindi ko na nakita ang posibleng consequences na ako pala magsuffer at the end,tungkol po ito sa BP22 case na isinampa sa amin dahil nangutang cya ng pera sa lending last 2008 pa ito worth 80,000 at umabot na ito ng 135,000 dala interest,pinapirma kami ng 18checks worth 7,516.00 each,ako ang tinawagan ng lending nagbayad po ako tingi2x dahil hindi kaya sa budget ko hanggang umabot sa punto na nagfile cla ng case,pinatalbog nila 2checks,at first nagpunta kami sa korte for arraignment so ok na yong 2cheks,pinagtaka ko lng after a year mayroon na naman letter from prosecutor din mtc,covered pa rin yong checks na nabayaran namin ahead,tanong ko ilang beses ba patalbugin yong the same checks? 3 beses na sa loob ng tatlong taon,ginawa ko tinawagan ko na lng yong lending na instead magappear kami sa court magbayad na lng ako kasi malayo yong cebu sa maynila at may work din ako,pumayag cla na magbayad ako ng 20,000 tama ba ginawa ko?Sa ngayon nakapagbayad na ako sa kanila ng 112,000.00 nagbigay cla ng account number sa metrobank para doon ipasok yong payments,this year expect ko na rin po na the same thing will happen kaso wala na ako pambayad kasi yong binayad ko prior ay inutang ko rin 2 years to pay.Hanggang kailan ba ganito sitwasyon?Ano ba dapat kong gawin balak ko nga 135,000.00 lng bayaran ko tapos wala na.yong pinsan ko walang nagawa poro pasakit,ni isang sentimo wala akong nakuha sa pera na yon,sana po atty ay mabigyan nyo po ako ng gabay kung ano dapat procedure gawin ko.nasa akin po lahat ng resibo sa bangko na binayaran ko sa lending na yon dami ko pang threatened na natanggap sa lending firm na yon.
Sana po bigyan nyo ako ng sapat na gabay kong ano gawin ko...maraming salamat po.God bless