Naospital po ang nanay ko Sept 2010. Humanap po ako and lumapit sa mga kilala and kamag-anak pero sa laki po ng bill namin sa ospital lumapit na po ako sa isang lending firm. March 2011 I borrowed from a lending firm an amount of P40,000,17 mos to pay and P4,000 every 20th of the month. May co-maker din po ako who used to be my officemate and pumayag po sya since we have work that time. For atleast a couple of months, nakakabayad nman po ako on time and pag nadelayed naman po nababayaran ko rin together with the interest.
Oct 2011 nawalan po ako ng trabaho and wala po akong natanggap na backpay dahil may loan po ako sa company na pinasukan that time and from then on di na po ako nakakabayad sa napagkasunduang amount na dapat bayaran at minsan po P1,000 na lang ang naibabayad ko. Sa pakiusap ko, nagbayad po ng P1,000 ang co-maker ko itong nakaraan buwan and ngaun po tnitext po ako ng lending firm na magbayad sa pagkakautang at kung hindi daw po magpapadala sila ng demand letter sa akin and sa co-maker ko.
Makukulong po ba ako sa nagawa ko? Sinasabi ko naman po sa lending firm na babayaran ko po sila sa utang ko paunti-unti makahanap lang po ako ng stable na trabaho sa ngaun. Natatakot po ako kasi sinasabi nila na pupuntahan daw nila ako sa bahay at ung co-maker ko pra magdemanda. Nahihiya po kasi ako sa co-maker ko dahil nadamay pa sya sa problema ko.
Hope matulungan nyo po ako sa problema ko.
Salamat po and Godbless.