Good Afternoon po. Meron po ang Father in law ko na lupa (200 sq. mtr) at bahay na di na tinirhan kahit kailan. Nang puntahan namin ang nasabing bahay, nagulat kami na may nakatira at tinanong naman namin kung sino ang may ari ng bahay at lupa kilala naman nila ang may ari (Di kami nagpakilala n kami yung may ari)11 years n daw sila don, tinirhan nila dahil ninanakawan daw yung bahay(yung tumira isa sya sa mga naging trabahador. Hindi lang isang pamilya ang nakatira sa bahay na iyon siguro po 6 na pamilya at ang sabi po ng ibang nakatira dun nagbabayad sila ng upa dun s unang tumira na di naman namin alam. Ngayon po kailan na namin yung lupa at bahay, nagbigay n kami ng Notice na sa loob ng 2 months eh lisanin na nila yung lugar, pumirma naman sila at pati ang barangay eh may kopya din. Lumipas n yung 2 months eh andun pa din sila, ngayon nanghihingi po sila ng financial para daw makalipat sila..Pwede po ba na ang barangay na mismo ang magpaalis s kanila o kailangan pa namin ng court order? Pede rin ba namin silang kasuhan ng tresspassing s Barangay? Maraming Salamat po at More Power. God Bless You
Last edited by rommel0517 on Tue May 10, 2011 5:07 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Additional Question)