Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

need legal advise

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1need legal advise Empty need legal advise Sat May 07, 2011 6:39 pm

search123


Arresto Menor

Good day,

last december 2010 may inalok sa amin na sasakyan kaibigan ng pinsan ko. itong sasakyan na ito na acquire noong nag alok sa amin dahil sa umutang ng pera ang may ari sa kanya almost 1 year na. ang may ari nasa abroad kaya ang babae nalang ang namamahala para padagdagan ang hinihiram nilang pera kaya lumaki na ito. nahatak ng pinagkakautangan nila ang sasakyan lumaki na ang utang nila pinapatubos ang sasakyan. pero di natubos ng asawa .hanggang inalok sa amin ang sasakyan.

may open deed of sale sila noong may ari ng sasakyan at yong pinagkautangan nila. lahat ng original na papel ng sasakyan. nong kinuha namin ang sasakyan noong december may agreement kami, acknowledgement lang na tinanggap nila ang pera. since ang may ari nasa abroad pa kung sakali tubusin ang sasakyan kunin din nya sa amin at ibalik ang pera namin na 590,000k. ito ang usapan namin. nang dumating ang may ari galing abroad ayaw nyang bayaran ang utang nya na umabot na sa mahigit 1M. kami ngayon ang ginugulo ng may ari ng sasakyan kasi nakuha daw namin ang sasakyan ng illegal. sabi namin doon sya makipag usap sa inutangan nya at willing naman namin ibalik ang sasakyan kung saan binigay namin ang pera kasi usapan namin kung kunin ng may ari.

siguro di inaakala ng may ari na ganon na kalaki utang nya at di na nya kaya pang tubusin ang sasakyan pina alarm nya ito sa LTO mga march. ang registration ng sasakyan mag expire na ngayong june, nag desisyon kaming mag asawa na ibalik nalang sa kinukuhanan namin ang sasakyan para di na kami maperwesyo pa.

ilang beses akong nagpunta doon sa pinagbilhan namin ng sasakyan ang sabi lang nya na gagawin nya na maayos ang lahat. feb 23 ng nag umpisa na kaming guluhin ng may ari ng sasakyan, april 10 sinabi ko doon sa kinukuhanan namin ng sasakyan na may alarm ang sasakyan sa LTO ibalik ko na at ayoko ng gulo since nasa abroad ang asawa ko.pat tinatawagan ko sya di sinasagot tawag ko at mga text. hanggang ngayon di sya nakipag usap sa akin. ang gusto ko lang naman na mag usap kami ng maayos kung ano ba ang reason nya bakit ayaw nya akong kausapin. kami naperwesyo at di ko nga magamit ang sasakyan baka mahuli ako ng HPG at ma impound ang sasakyan. bale wala sa kanya ang mga sinasabi ko na ibalik ko na ang sasakyan at gusto kong ibalik na rin nya ang pera namin.

tama ba attorney na mag reklamo na ako sa baranggay namin? para mapag usapan namin at ma pursige sya na ibalik ang pera namin. ginagamit na nya ang pera sa mga negosyo nya at kami ang kawawa dahil di na nga namin nagmit ang sasakyan naperwesyo pa kami. kung magmatigas syang kausapin o harapin ako sa baranggay namin, saan ko dadalhin ang reklamong ito? kukuha na ba ako ng abogado? at sya nang bahala sa kaso na ito? anong ikaso ang dapat sa kanya? hindi naman kami mga barumbadong tao na ganyanin nya kami. kung sakali di nya maibalik lahat ang pera ng buo basta maayos lang na makipag usap sya siguro magawan din namin ng paraan. ilang buwan na pinaghirapan ng asawa ko ang perang ito tapos ganon nalang ang gagawin nya sa amin.

umaasa ako attorney na mabigyan mo ako ng advice sa problemang ito..mula february hanggang ngayon kasi di na nagagamit namin ang sasakyan

marami pong salamat

2need legal advise Empty Re: need legal advise Sat May 07, 2011 8:29 pm

attyLLL


moderator

http://www.pinoylawyer.org/t4780-second-hand-car#19217

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum