Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Reckless Imprudence resulting in damage to property..

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

nhel5


Arresto Menor

Hi good afternoon po.
Hihingi lang po sana ako ng legal advice regarding po sa case ng father ko. Bale po, mga 3-4 years ago nung nangyari yung accident. Bus driver po yung papa ko and taxi yung isa pang involved. That time daw po, gumawa yung papa ko ng police report about sa accident at yung company naman nila almost ang nag-aayos ng mga ganung accident since may insurance naman po and wala namang namatay, yun nga lang po may damage. To make long story short, after a year nagresign yung papa ko dahil 60 years old na din naman sya.. Last year po, nagulat na lang kami nung may dumating na warrant of arrest at kinulong po sya, bale P14,000 po yung bail nya, so nilakad ko po yung motion para mapababa, kaya naging P7,000 na lang po yung bailbond, nakahiram naman din po kami agad ng pera kaya nakalabas sya after 2days.

Sabi po sa amin sa court, wag kami aabsent dahil pwede pa naman namin mabawi yung bailbond after dismissal. Willing po kami makipag-ayos dahil nakita ko naman po yung damage is worth P22,000 lang naman po, ang alam ko po kasi pwede mo naman yun hulugan, sa arraignment nyo na lang pag-uusapan para maayos na yung case. Everytime na may dumadating na "notice" para sa hearing lagi ko pong finofollow-up naman yung papa ko na umattend, and talagang hindi po sya umaabsent. 1st, 2nd, 3rd hearing hindi po dumadating yung complainant, then yung last notice po na dumating last Jan. 24, 2011, nire-sched. po kami for pre-trial ng Feb. 22, 2011, nakalagay po sa notice na kapag hindi pa din po dumating yung complainant, the case will subject for dismissal. Tapos yun nga po ummatend ulit yung papa ko and absent pa din po yung complainant, sabi ng papa ko nire-sched. daw po ulit ng April 15, 2011, same time.. kahit wala daw pong dumating na notice, basta dumating sya. Nung April 15, bumalik po kami at sinamahan ko sya by this time, hinihingi ko po yung Order nung hearing nila ng Feb. 22, 2011, sabi bawal daw po makita.. Sabi ko po iche-check ko lang naman po kung ano yung decision. Tapos tinanong ko lang naman po kung bakit po nire-sched dahil nakalagay nga dun sa last notice na natanggap namin na "kapag hindi pa din po dumating yung complainant, the case will subject for dismissal." Pinakita ko din sa kanila yung papel. Sabi po nung isang employee dun, re-sched daw po ulit ng Oct.11, 2011, dahil yun daw ang decision ng judge. Tinanong ko po ulit yung employee kung bakit ganun ang naging decision samantalang nilagay nila sa order nung Jan.24, 2011 na "kapag hindi pa din po dumating yung complainant, the case will subject for dismissal." Ang sagot nya po sa akin ay yun daw talaga ang decision ng judge at di na mababago yun. Naki-usap po ako kung pwede maka-usap yung Judge para personal ko maitanong sa kanya yung mga gusto ko sanang itanong, pero sabi nung employee tanging atty. lang daw ang pwedeng kumausap sa judge.

- Iniisip ko po kung bakit po ganun yung decision?

Then tumawag po ako sa office ng branch nila, sabi po sa akin may absent na daw yung papa ko. April 5 daw yun at hindi April 15, sabi ko naman po dun sa nakausap ko. Bakit hindi sila nagpadala ng notice? Eh umaatend naman po kami at complete attendance pa, tapos hindi na daw namin makukuha yung P7,000 na bailbong na papa ko then meron daw po syang warrant of arrest ulit worth P14,000. Dahil sa hindi nya pag-attend ng April 5. Ano po ba yung maganda namin na gawin? Tapos po ung in-assign naman po na atty. sa amin eh pinagpapasa-pasahan po kami. Wala naman po kaming pambayad ng private atty. Kinonsult na din namin ito sa PAO, wala naman po silang suggestion.. Sad Nkakasama po ng loob yung situation. Bakit po pakiramdam ko na-agrabyado kami?

Eto po sana yung mga question ko.
1. May laban po ba kami sa case? I mean pwede pa ba namin mabawi ulit yung una naming bailbond?hiniram lang din po kasi namin yun eh.
2. Ano po ba yung pwede namin gawin para mapabilis po yung dismissal ng kaso?
3. Yung Incorrect information po sa papa ko nung isang empleyado dun about sa petsa ng next hearing? At di naman kami pinadalhan ng notice. Ano po kaya maganda namin gawin?
4. Pwede po ba magbigay ng warrant of arrest kahit hindi na nga po nagpakita yung complainant kahit isang beses.

Sana po matulungan nyo po kami. Sobrang namomroblema po ako sa situation kasi yung papa ko at iniisip ko na naman po kung saan kukuha ng pang-bail dun sa pangalawa.
Thank you po, Godbless..

lawddesign


lawyer

what court is the case pending?

court records are accessible especially to the parties involved. i wonder why'
the court employees are reacting that way.

nhel5


Arresto Menor

isang Branch po sa Hall of Justice, QC
Alam ko nga din po pwede tingnan yung records.
ano po kayang pwede po naming gawin, feeling ko po kasi may pinapanigan?

attyLLL


moderator

what i would recommend is to file a motion for reconsideration of the decision forfeiting the bond and allege that there was mistake of fact in noting the date of the hearing. remind the court that the complainant has not been appearing.

strange, most courts would still schedule the mediation even if complainant will not appear.

i also have a case where the complainant is not appearing, and i'm riding it out until the case is dismissed for failure to prosecute.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

nhel5


Arresto Menor

Thank you po atty. Godbless po.. Smile

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum