Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

valid reason for separation

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1valid reason for separation  Empty valid reason for separation Mon May 02, 2011 11:34 pm

breakfree573


Arresto Menor

Gud pm atty. Meron po akong asawa at may lima kaming anak. Nasa Saudi ako ngayon at nagpplano na ako na makipag hiwalay. Matagal ko na sanang plano ito pero ngayon gusto ko na talaga gawin. Marami na po kaming di pagkakasundo lalo na pag nakakahawak siya ng pera. nung unang beses na nag-abroad ako umuwi ako sa Pilipinas na baon sa utang nang dahil sa kanya. At ngayon, parang nauulit na naman ito. Sapaat bang dahilan para mag-file ng legal separation o kaya annulment ang mga kinikilos niya? Sa tingin ko kasi kay minamanipula niya ang isipan ng anak ko, ng nanay ko at kapatid ko na kasama niya sa bahay. Lahat sila hindi ko na mapagkatiwalaan. Nung minsan ay nahuli ko sila na pinagsinungalingan ako tungkol sa mga gastusin sa bahay namin. At napag alaman ko na marami na namang nagiging utang ang naiwan kong asawa. Sa madaling sabi, marami siyang ginagawa doon na hindi na talaga nakakabuti sa pamilya ko. Tama bang sabihin na bini-brain wash niya ang mga anak ko at kapamliya ko? Sapat bang dahilan yan para sa isang legal action?

2valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Mon May 02, 2011 11:55 pm

breakfree573


Arresto Menor

Nagpaplano na din po kasi ako ng mga gusto kong ipundar pag-uwi ko ng Pilipinas at ayoko nang magkaroon pa siya ng habol don o kahit anong koneksyon pa don. Paano po ba ang dapat kong gawin? Please give me some advice. Thank you.

3valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Tue May 03, 2011 10:23 am

attyLLL


moderator

you can consider a legal separation or separation of property if you can prove the ground: http://www.pinoylawyer.org/t4792-grounds-for-annulment-declaration-of-nullity-legal-separation-and-separatio-of-property

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

4valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Tue May 03, 2011 12:16 pm

breakfree573


Arresto Menor

Atty, ano po ba legal term para dun sa ground that I mentioned? Ang economic abuse ba ay applicable sa akin na husband?

5valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Tue May 03, 2011 2:29 pm

breakfree573


Arresto Menor

I review the link you posted, Atty. Please correct me if I'm wrong. Sa pagkakaintindi ko po ay pwede ba ang mga grounds na ito sa nabanggit kong sitwasyon:

FOR LEGAL SEPARATION:

1. Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner. -- considered po ba na abusive conduct yung ginagawa ng wife ko?

3. Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement. -- masasabi po bang inducement yung ginagawa niya sa pang bbrainwash sa mga kamag-anak ko? kahit wala naman pong prostitution, possible ba na magamit ang reason na to?

FOR SEPARATION OF PROPERTY:

(5) That the spouse granted the power of administration in the marriage settlements has abused that power; and

(6) That at the time of the petition, the spouses have been separated in fact for at least one year and reconciliation is highly improbable.


Yung namention ko din po kanina na economic abuse, sa wife lang po ba applicable yun? Napa isip din po ako Atty sa options na binigay niyo sa akin. Ano po ba ang pagkakaiba ng legal separation at ng separation of property? Hindi po ba pag legally separated ka na, it follows na din po sa property?

Thank you again.

6valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Thu May 05, 2011 3:41 pm

attyLLL


moderator

no, these are not considered the grossly abusive conduct or inducement stated in law.

it is right that legal separation has separation of properties but also has penalties for the guilty spouse and different grounds.

i recommend you use the separation in fact for one year.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

7valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Thu May 05, 2011 5:06 pm

breakfree573


Arresto Menor

Thank you for your reply. Is our current situation considered as separation in fact? I'm working abroad po e. I will stay here for 2 years. And 1 month na din akong di nakikipag usap sa kanya.

Atty. another question po. Makakasuhan ba ako kung hindi na ako magpapadala diretso sa asawa ko? Ang padadalla ko po ay diretso sa anak ko. At makakatulong ng panganay ko ay ang mama ko sa pag bubudget. Hindi po ba ako mababalikan kung ganyan ang gagawin ko?

Will wait for your response Atty.

8valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Fri May 06, 2011 11:24 am

attyLLL


moderator

why not send to them both, and maintain proof of all your remittances so you have a defense in case she files a case.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

9valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Sat May 07, 2011 12:19 am

breakfree573


Arresto Menor

Ang iniiwasan ko po kasi Atty ay mapunta ang padala ko sa wala. And kung sa pareho po ang magpapadala that would mean double expenses para sa remittance charges. In case na magfile sya ng case, may laban ba siya kahit may proof ako na padala sa pangalan ng anak ko?

And regarding dun sa separation in fact, considered na ba na separation in fact if i am here abroad?

Thank you again.

10valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Tue May 10, 2011 8:46 am

breakfree573


Arresto Menor

Atty. follow-up lang po sana dito.

And I have another question... dinala ng asawa ko ang mga bata sa magulang niya sa probinsya na walang paalam sa akin. At napag alaman ko na iiwan niya doon ang dalawang bata na hindi pa nag aaral pag nagpasukan na. Pero siya ay maninirahan sa bahay pa din naman dito sa manila. Ang gusto ko po kasi ay siya mismo ang magbalik ng mga bata sa bahay. Nagpplano na din ako umuwi ng Pilipinas sa taong ito dahil sa mga nangyayari. Kung sakaling ayaw niya ibalik ang dalawa pang bata, ano po ang pwede kong gawin?

11valid reason for separation  Empty Re: valid reason for separation Wed May 11, 2011 12:08 am

attyLLL


moderator

talk it over with her, then go claim your kids from you in laws.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum