Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Namatay na ang inutangan

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Namatay na ang inutangan Empty Namatay na ang inutangan Wed Apr 27, 2011 1:09 pm

macario


Arresto Menor

Last 2010, may tumawag sa akin at pinapaalala sa akin ang umano'y utang na misis ko na worth 40k. Inutang daw po ito ng misis ko sa misis niya noon pang 2008 at hindi pa nabayaran o kahit nabawasan man lang. Tinanong ko kung sino siya at nagpakilala naman siya at pamilyar sila sa amin dahil nagpapautang nga sila dati sa lugar namin. Yun nga lang nung tinanong ko kung nasaan ang misis niya ay sinabi niya na namatay na ito noong 2009 at kaya siya ang naniningil ay nakalista daw ang pangalan ng asawa ko sa notebook na naiwan ng misis niya. Hindi ko po alam na may utang ang misis ko dahil wala naman ito nabanggit sa akin, pero pinipilit po ng taong ito na nangutang nga daw siya at yun ay base sa record ng namatay niyang asawa. Tinanong ko po ang misis ko sa bagay na ito at sinabi po niya sa akin na nagkautang nga siya pero nabayaran na niya ito. Sinabi ko ito dun sa asawa pero hindi ito naniniwala dahil wala daw record na nagbayad ang asawa ko. At nagbanta siya na irereklamo daw niya ako sa ahensiya na pinagtatrabahuhan ko at ipapatanggal pa kung hindi haharap sa kanya ang misis ko. Hindi lang ho pala kami ang sinisingil niya kundi maging ang iba pa na hindi nakabayad saaswa niya bago ito namatay. Ang tanong, may karapatan po ba siya na maningil sa mga pinautang na nakamatayan ng asawa niya kahit hindi naman siya ang personal na katransaksiyon ng nangutang? Paano ho ang gagawin namin para sabihin na wala ng bayarin si misis? Ano po ba ang nakasaad sa batas kung namatay na ang inutangan lalo at personal lang naman ito? Worried lang po ako. Maraming salamat po.

2Namatay na ang inutangan Empty Re: Namatay na ang inutangan Thu Apr 28, 2011 8:09 pm

attyLLL


moderator

yes, he can claim because he is the husband and they co-owned the money that was lent to you. did your wife pay the loan? aside from a listing on the notebook, does it have our wife's signature?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum