Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

road widening

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1road widening Empty road widening Mon Apr 18, 2011 6:25 pm

sadme102377


Arresto Menor

hello attorney;
good day po ask ko lang po regarding sa lupa namin kasi napabalita po dito sa amin na magkakaroon ng road widening sa area namin regarding po sa plan ng goverment para sa south road reclamtion project nila kaso po para isa kami sa mga bahay na maalis? pwede po ba yon? kasi lahit kami rito is private property di naman kami squatter.ANo po ba ang dapat naming gawin?If ever po na mapaalis kami ano po ba ang mode of payment nila then may relocation po ba para samin?
Sana po matulungan nyo kami kasi worried kami lahat dito.
Maraming salamat po.

2road widening Empty Re: road widening Tue Apr 19, 2011 5:40 pm

TiagoMontiero


Prision Correccional

OO, maaaring bilihin nang gobyerno ang property niyo na ma-aapektuhan nang road widening sa ayaw niyo man o gusto, ang tawag sa sapilitang pagbili nang gobyerno ay Eminent Domain. Ang mangyayari ay, una, makikipagnegotiate muna ang gobyerno sa pagbili nang bahay nyo, kung hindi kayo pabor sa presyo na inaalok nang gobyerno magkakaroon nang court case at doon sa court case aalamin kung magkano ang nararapat at makatarungan presyo nang property niyo (just compensation). About relocation, ang relocation binigay lang yan sa mga squatters, at yun relocation area, dapat pa rin naman bayaran yun nang napaalis. Sa maiksing salita, ang mangyayari ay bilihan nang property sa halangang naaayon sa value nang property niyo voluntary man o sapilitan ang pagbenta, at hindi kayo basta basta maaaring paalisin nang gobyerno nang walang kabayaran, yun nga lang, hindi naman dapat bayaran agad nang gobyerno ang buong presyo nang lupa bago gamiting ang property niyo may porsyento lang na dapat na paunang bayad, pero wag mag-alala dahil hindi naman matagal ang proseso para mabayaran kayo nang buo.



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum