Good Day Attorney, itatanong ko lang po yung sa amin. kasi po yung nasa harapan namin eh kumuha ng private surveyor nila na mukang kaduda-duda at mukang nasuhulan nila. Sinukat po yung lupa ng nasa harap namin kasama yung sa amin, at ang sabi ay dapat daw magusog ung nasa harap namin at kukuha daw po sa lupa namin, kasi daw sabi ng private surveyor nila eh kapag daw nag road widening eh maaalis daw yung harapan nila kaya samin daw kukuha. Tama po ba yung ganoon? eh kami yung nasa likuran? kung sakali po na may panlolokong ginagawa yung Surveyor nila? ano po ba ang maaari naming ikaso sa kanya at saan kami dapat lumapit? Salamat.
Free Legal Advice Philippines