noong una itong si BEN humiram sa kanya ng pera worth 35k, binigyan nya.after a month itong si BEN umalis papuntang states. for the second time lumapit uli sa kanya ang asawa ni BEN na padagdagan ang hiniram nilang pera. sabi ni BOY malaki na itong hihiramin mo at may interest ito. kelangan ko ng collateral.sabi ni MRS dalhin ko dito sasakyan ko at ang original na OR/CR. since ang sasakyan nakapangalan kay BEN at wala si BEN dito humingi sya ng authorization kay BEN. binigay naman sa kanya ang hinihingi nyang mga papeles, ang authorization nya ay nagsasabi na i authorized si MRS... na makipag transact kay BOY dito sa sasakyan ko as a collateral sa hihiramin na pera at ito ay valid for 1 month only ang authorization.
papers na hawak ni BOY:
original OR/CR
mortgage certificate
insurance policy
authorization letter ni MRS from BEN na makipag transact kay BOY at ang car ang collateral
PRC ID ni BEN
TIN ID ni MRS
SSS ID ni MRS
pumirma din si MRS sa mga nakuha nyang pera. nangyari ito november 2009. after 1 month di natubos ang sasakyan ni BEN. 2010 october pinuntahan ni BOY si MRS para ipaalam na lumaki na ang interest ng pera na kinuha nya at kelangan na ni BOY ang pera kasi end of the year kelangan at mag audit na. walang naibigay si MRS. so at that time lampas na sa halaga sa car ang babayaran ni MRS sa kanya. wala pa ring maibigay si MRS. so sinabi ni BOY gawa tayo ng OPEN DEED of SALE kasi lumaki na ang utang nyo. kasi kelangan ko ng pera. itong sasakyan nyo isanla ko muna sa iba. kung uuwi si BEN mag uusap kami kung kunin nya ang car nyo bayaran nyo ang utang nyo sa akin. kung hindi na ayusin nya ang papeles. kahit lumapas na sa 1.2M kung willing kayo na tubusin pwede kasi sanla lang ito sa friend ko din. so december 2010 sinanla ni BOY ang car sa pinsan ko. feb 2011 dumating si BEN nagulat noong nakita ang utang nya. sabi ni BEN di daw nya asawa si MRS. babae lang daw nya. sabi ni BOY kung kunin mo ang sasakyan kunin mo na para makuha ko doon sa pinagsanlaan ko. in good faith dinala pa ni BOY si BEN sa bahay ng pinsan ko pinakita ang sasakyan naka garahe. di masisira yon at wala dito ang pinagsanlaan ko nasa abroad ang asawa naman di marunong mag maneho. so ganon ang usapan nila.
after 2 weeks. itong si BEN pumunta sa bahay ng pinsan ko may dalang 3 pulis. ang sabi madawit daw sa kaso na carnapping ang pinsan ko at binili daw ang sasakyan na illegal. sabi ng pinsan ko di pa namin binili ang sasakyan mo. open kami at ito ang usapan din namin ni BOY na if ever kunin nyo ang sasakyan ibalik nya ang pera sa amin para maibalik nya ang sasakyan sa inyo. kung itoy tubusin nyo rin sa kanya. anytime pwede mo makuha ang car mo. sabi ng pinsan ko wala kaming transaction sa u. kay BOY kami meron. kung ibalik man namin ang sasakyan, sa kanya di sa u. wala kaming obligasyon sa u ikaw meron kay BOY. ang gusto kasi nyang mangyari na kunin nya ang sasakyan na di nagbabayad kay BOY. nag dala pa sya ng pulis sa bahay. pina blotter sya ni BOY para makipag usap sana sa barangay muna. may sulat pero non- appearance sya 45 days na.
ano ang dapat gawin ng pinsan ko dyan? kung ibalik naman ang car kay BOY wala namang pera na maibalik si BOY. sa July mag expire na ang CR ng car. ano ang dapat na gawin ng pinsan ko dito... di na nagpakita si BEN kay BOY para sana mapag usapan ang problema....Please help.
thank you.