Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

May karapatan po ba silang maghabol?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1May karapatan po ba silang maghabol? Empty May karapatan po ba silang maghabol? Sun Apr 10, 2011 5:20 pm

munchkin


Arresto Menor

Sir i need a legal advise. My father died recently, january of this year. may naiwan po syang property na nabili nya after my mom died last 1985 pa po. Yung lote po ay pinatayuan niya ng bahay ng paunti unti. hindi pa po sya natatapos hanggang bawian sya ng buhay, pero nakuha na po nya ang titulo na nakapangalan din sa kanya ( sa father ko ). Lima po kaming magkakapatid, kasal po ang aming mga magulang. May una pong pamilya ang father ko na nagkaroon sila ng anak na lima sa una nyang asawa. di po namin alam kung legal nyang asawa yun or hindi. ang nakaka alam lang ay yung mga kapatid ko sa ama. patay na rin po ang unang asawa ng father ko bago nya pinakasalan ang mother ko. ang tanong ko po ay mayroon po bang karapatan ang mga kapatid ko sa ama na makihati sa pag aari na naiwan ng aking ama na ang aking tinutukoy ay yung nabili ng ama ko noong panahong balo na sya at parte ng pinambabayad ng lote ay galing sa pensyon ng aming namatay na ina? anu po ba ang legal na remedyo ukol dito? salamat po.

2May karapatan po ba silang maghabol? Empty Re: May karapatan po ba silang maghabol? Mon Apr 11, 2011 11:07 am

TiagoMontiero


Prision Correccional

munchkin wrote:Sir i need a legal advise. My father died recently, january of this year. may naiwan po syang property na nabili nya after my mom died last 1985 pa po. Yung lote po ay pinatayuan niya ng bahay ng paunti unti. hindi pa po sya natatapos hanggang bawian sya ng buhay, pero nakuha na po nya ang titulo na nakapangalan din sa kanya ( sa father ko ). Lima po kaming magkakapatid, kasal po ang aming mga magulang. May una pong pamilya ang father ko na nagkaroon sila ng anak na lima sa una nyang asawa. di po namin alam kung legal nyang asawa yun or hindi. ang nakaka alam lang ay yung mga kapatid ko sa ama. patay na rin po ang unang asawa ng father ko bago nya pinakasalan ang mother ko. ang tanong ko po ay mayroon po bang karapatan ang mga kapatid ko sa ama na makihati sa pag aari na naiwan ng aking ama na ang aking tinutukoy ay yung nabili ng ama ko noong panahong balo na sya at parte ng pinambabayad ng lote ay galing sa pensyon ng aming namatay na ina? anu po ba ang legal na remedyo ukol dito? salamat po.

Munchkin, OO, may karapatan lahat kayong mga anak, sa una at pangalawang asawa, sa mga properties na naiwan nang iyong ama. Base sa kwento mo, parang walang naiwan Last Will and Testament ang Tatay mo, so ang mangyayari ang hatian ninyo equal sharing, yung nga lang kung ano ano ang property na included sa pwedeng paghati-hatian, kailangan mo na magconsult personally sa abogado kasi medyo complicated ang situation niyo at sabi mo nga may first and second marriages ang tatay mo, tapos yun property pa in question nabili niya nun balo na siya parte pa nang pambili ay yun pera pa nang pension nang tatay mo dahil sa nanay mo.

3May karapatan po ba silang maghabol? Empty Re: May karapatan po ba silang maghabol? Mon Apr 11, 2011 1:48 pm

munchkin


Arresto Menor

oo nga po masalimuot ang nangyari, hindi kami papayag na ang hatian ay kasama sila, kasi po wala po silang partisipasyon sa pagbili. ang ipinambili ng lote ay galing sa pension namin magkakapatid pati ng balo naming ama. ang mga kapatid ko sa ama naman ay di maaring tumanggap ng pension dahil hindi naman nila ina ang aming ina syempre. nagtiis kaming limang magkakapatid na hindi gastusin ang pensiong nakalaan sa amin sa pag aakalang kami rin naman makikinabang sa binibiling lupa. yun naman pala ay iniinteres na now ng aking mga kapatid sa labas. alam nila ang sitwasyon o kalagayan nila pero kinakapalan nila ang mukha nila na meron daw silang karapatan dun sa kakapiranggot na lote. inaalok namin sila ng partihan na meron din sila pero ayon sa kagustuhan namin na 5 parte sa aming lima at dalawang parte sa kanilang lima rin na kapatid ko sa labas. pero umaayaw sila sa aming suhestyon na para bang sila ang may kapangyarihan dahil mas matanda sila sa amin dahil sa unang pamilya sila.

4May karapatan po ba silang maghabol? Empty Re: May karapatan po ba silang maghabol? Sat Jan 28, 2012 4:26 pm

osie


Arresto Menor

good day ,,ask ko lang po may karapatan po ba maghabol ng sustento ang anak ko sa una niyang asawa ,,hiwalay po sila ng legal husband niya 1 year lang po sila hindi ng comunicate ng ka asawa na ang anak ko ,,at may anak na sa second husband nya ..may isang anak ang legal husband ng anak ko pwede po ba mg habol pa kami sa legal husband ng sustento kahit may 2nd family na ang anak ko??advise lang po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum