kwento ko po muna..
ito pong house ng lola ko ay sa tita ko (na nag
iisang babae sa limang anak ng lola) itatransfer..
sa limang anak ng lola ko ay itong tita ko ang wala
pang pamilya at wala pang sariling bahay.. yung
papa ko at tito kong panganay sa knila may bahay
na na pinagawa ng lola ko dahil alam niyang di
nla kaya magkarun ng sariling bahay..
yung tito ko naman na sumunod sa panganay ay
may pamilya, seaman at may bahay at may
maayos na hanapbuhay at yung huli naman na
tito ko ay ganun din kaso wala itong bahay at
nangungupaham lang kaso kaya naman niyang
magkabahay dahil engineer naman siya at may
maayos na kita.. kaso ayaw niyang mapunta ang
bahay sa tita ko dahil ang gusto niya ay sa kanya
ibigay kaso ayaw ng lola ko dahil nung pinatira
siya dito eh halos di naman niya matulungan si
lola at baliktad siya pa ang pakikisamahan sa
bahay eh siya ang nkikitira at marami ring
napirwisyo at nasira sa bahay..
dahil ayaw niya sinulsulan niya pa ang tito ko na
seaman na hindi pumirma sa waiver (transfer of
rights) at sabi pa ng seaman kong tito ay
magagalit daw siya at susugurin kami ng tita at
lola ko pag hindi binigay sa tito kong engineer
yung bahay..
ano po bang dapat naming gawin? wala p pong
titulo ang bahay namin award lang at nasa
pangalan ng lola ko.. kelangan ba talaga kumpleto
ang pipirma sa mga anak niya? panu pag kulang
ng dalawa eh lima sila?
panu naman pag ibebenta na lang ng lola ko ang
bahay para mkalipat kami para mkaiwas sa gulo
need din ba ng consent nila at compulsary po ba
ang share?
need po talaga namin ng advice asap para po
maasikaso na agad namin.. thanks po..
may ibang way po ba na hindi na kelangan ng pirma ng 4 na tito ko para diretso na sa name ng tita ko? buhay pa ang mother nila yun dun ang gsto na sa tita ko..