ALmost two years na kaming hiwalay ng husband ko. Hindi kami legally separated pero may agreement kami na ginawa sa barangay na ngdecide kami na pansamantalang maghiwalay due to various reasons unang una na yung physical abuse at incompatibility yung agreement na yun ksama yung visitation right nya sa two kids namin at financial support nya sa kids.
To cut it short yung agreement hindi nasunod. Nung unang first year na hiwalayan namin ngbibgay sya ng support after nun ngstop na xa kasi daw wala na syang work. Then, nalaman ko may work naman sya, ngsend ako ng demand letter sa kanya pero to no avail.
Hindi naman po kami legally separated, entitled po ba ako na supportahan nya yung two kids namin kahit hindi ko sya iallow na magvisit sa mga kids, kasi kung anu ano mga pinapangako nya sa bata at I think hindi sya magandang influence sa bata kasi kung anu ano kalokohan tinuturo nya sa bata.
May girlfriend xa as of now pero hindi sila naglilive in,almost two years na sila. Pwede ko bang kasuhan yung girlfriend nya kasi ngtetext sa akin na yung pera daw ng husband ko eh nasa kanya at pwede bang gawing evidences yung mga pictures nila.
Nag ask narin me ng advice sa PAO, kaso dahil ngwowork me at di pwedeng umabsent dahil nga ako lng ngsusupport sa mga needs namin ng mga anak ko kaya di ko maasikaso. Please advice naman po anong pwede kong gawin. Pwede kayang patanggal xya sa work kasi di naman ngsusupport or pwedeng yung company nya ideretso ikaltas sa sahod nya yung support nya para sa amin. Thanks. God bless.