Yung lola ng asawa ko, kini klim na nasa mapa nya yung lupa kung san yung bulak na kahoy ay nakatayo. Pinaputol nya yun after makakuha ng permit sa barangay at nagalit ang adopted child pero di naman sila mag ka apelido ng nag claim din na ang kahoy daw ay tanim ng mami nila na awardee ng lupa na nakatira na sa US. Ayon sa mga testigo, yung award ng mami nila is na nullify dahil ito a di na nakatira sa pilipinas at isang dual citizen na. Ito po ang nangyari, yung kahoy na naputol ay nakatiwangwang dahil nga sa reklamo. Nagkaroon ng pag uusap sa barangay at hinold and kahoy. Pero makaraan ang ilang buwan, ginalaw nila ang kahoy at nagreklamo ang lola ng asawa ko na wag galawin. Nagpunta ang asawa ko kasama lola niya kung san yung kahoy, nagtatalo sila.yung pangyayari is malapit lng sa bahay ng complainant pero nasa labas kami ng bakod. Nung tumongtong sila sa lupa di nman sila pipaalis. Nagtatalo sila. Sumunod ako dala ko ang maiit kong anak. Nung dumating ako, narinig ko na pinapaalis niya ang asawa ko at lola nya sa lugar. Nakiusap ako kay kuya, na patigilin na lang nya ang asawa niya dahil hindi aalis yung lola at asawa ko dahil kiniklim nga na sukat sa mapa ng lola ng asawa ko ang lupang yun. Makaraan ang ilang minuto, humawak ng kahoy yung complainant na babae at sabi "Kung di ka lang matanda, kanina pa kita tinatadyakan". Sumagaot ang asawa ko, "Wag mung ganyanin yung lola ko dahil magkasubukan tayo". Sabi naman ng babae yung complainant, bakit, lalaban ka habang hawak ang kahoy at nag attempt ihampas sa asawa ko dahil tumayo siya. Nahawakan ng asawa ko yung kahoy, at nagsabunutan sila. Lumabas yung anak ng babae and complainant at tinulungan nya yung nanay nya at pinagtulungan nila yung asawa ko. Sabi ko sa kay kuya yung asawa ng complainant, awatin mu kuya, instead na awatin, diniin nya yung asawa ko at nag react ako na wag ganyan ang maging neutral siya at habang hawak ko ang anak ko, gamit ko ang isang kamay, inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa balikat ng asawa ko. tapos, sinuntok nya ako. May mga tumulong at naawat na ang lahat. Yung cellphone namin nakuha ng kabila at winagayway at sabi, ito ang cellphone nyo tapos makaraan and ilang minuto ng sabihin ko ibalik mu yan, dinideny na nasa kanya. Nagbanta ako na kasuhan ko siya ng direktang pagnanakaw at di nya tlaga sinauli. Nagpabaranggay ako at pagbalik ko, binalik na daw yung cellphone. Yung kwentas ng asawa ko naputol at nawala and pendat. Ngayon, nagreklamo sa barangay ng trespassing at physical injury and kabilang panig. Nagkaharap kami at di natapos dahil na reset yung hearing to show the documents. Ito ang tanong ko:
1. Valid ba yung trespassing?
2: Sa physical injury, pwede ba kami mag contra reklamo dahil nauna kami nagpablotter sa barangay at di lng na aksyunan agad. Meron din kami medico legal for minor injury.
3. Pwede rin ba ako mag demand para bayaran ang araw na di ko pagpasok dahil sa hearing at nangyari if baseless ang reklamo sa akin?
4. Yung blotter ko na direktang pagnanakaw, valid ba ba kahit naibalik yung bagay sa akin?
5. Pwede ko rin ba ifile yung damage of property dahil sa kwentas kahit di ko nasali sa blotter?