Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PHYSICAL INJURIES AND TRESPASSING CASE

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1PHYSICAL INJURIES AND TRESPASSING CASE Empty PHYSICAL INJURIES AND TRESPASSING CASE Fri Mar 23, 2012 12:28 am

lizville


Arresto Menor

I'm a female, 26 years old po at single. Ang nangyari po ay ganito. nandito kami sa aming bahay ng mga kapatid ko at pinsan ko. ang mga magulang ko po ay wala sa bahay dahil bumiyahe sa cebu. ako po at ang pinsan ko ay naglalaro ng computer sa sala habang ang kapatid ko po ay nanonood ng tv. ang isa ko pa pong kapatid ay nag-aaral sa kwarto ng biglang pumasok ang aming pinsan na lalaki na lasing,eded 28 years old. tinatanong nya kami kung sino ang bisita namin. nagtaka po kami dahil wala naman kaming bisita nung araw na yun. tinanong namin sya kung sino ang tinutukoy nya. hindi sya sumagot at pinagtitingnan ang tatlong kwarto sa aming bahay. ng walang makita ay tinanong nya ulit ako at sabi nya ay babalik sya. umalis sya at umuwi sa kanilang bahay. ng bumalik po xa ay nagtanong na naman kung sino ang aming bisita. ako po ay nairita na at sinagot ko sya. nagalit po sya at bigla nalang akong sinampal. ang kapatid ko po na babae,18 years old, ay umawat sa amin at sasampalin nya po sana pero sinapak ko ang kamay nya. pag sapak ko po sa kamay nya ay ang kabilang kamay nya naman po ang pinang sampal sa akin. kaya ayun po nag away na kami at naulitan pa po ako ng dalawang sampal. ang kanya pong ama ay nandoon at nakatingin lang sa amin. kasama po ang kapatid nya, asawa nya, at asawa ng kapatid nya na nanood lang po sa pag sampal sa akin. kinuha po nila ang pinsan ko at sinabihan na tama na yan. pag labas po ng pinsan ko sa aming pintuan ay sinabihan pa po kami na "lumayas kayo sa barangay na ito dahil kung makikita ko pa kayo bukas ng umaga ay ewan ko na lang kung anung magagawa ko sa inyo". at ang uncle po namin na tatay nya ay sinabihan din po kami na lumayas kami. ng matanggap nila ang sumon letter ng barangay ay bumalik na naman ang uncle ko na galit na galit sa bahay at sinabihan ang naabutan duon na kung makikita kaming dalawa ng kapatid ko ay papasakitan na naman kami. buti nalang po ay umalis kami. pagkabukas po ay hindi sila umattend ng sumon at another na naman po ang natanggap nila kaya pumunta na namn duon sa bahay namin ang asawa ng uncle ko at anak nya na babae at galit na pinagsalitaan kami. mangyari po na ang bahay na tinitirhan namin na located sa kabilang kalsada sa harapan ng compound nila ay kanila pa po. ang verbal understanding ng mga magulang ko at magulang nya ay ngayung summer 2012 ang simula ng bayad in installment basis. kami po ay nagsimulang tumira dito ng summer 2011.
ang tanong ko po. makakasuhan ko po ba sila ng trespassing?? anu pa po ang ibang maaari kong ikaso sa pinsan ko? kami po ay nagpa blotter at kumuha ako ng medico legal at pina barangay namin sila pero hindi po sila humarap. may pag-asa po ba kaming manalo kung ikakaso namin ito?? anu po ang pwede naming ma gain kung maipapanalo namin ang kaso?? paki answer naman po ng aking mga katanungan sa lalong madaling panahon. salamat po.

legallyspeaking


Arresto Menor

Ilang beses na ba nagpatawag ang Lupon? Maaari lang kayo magsampa ng kaso sa korte kapag nabigyan kayo ng lupon ng certification certifying that no conciliation or settlement has been reached. In the event that you have obtained this certification, based on your narration, in my opinion, you may file a complaint for qualified tresspass to dwelling (by means of violence). Although I am a lawyer, I don't normally encourage clients to immediately file a lawsuit, because lawsuits are stressful, time consuming and not to mention, costly. If the parties can still settle their differences amicably, the better. At saka sa kaso nyo, magkakamag-anak pa kayo. Lawsuits may strain your relationships permanently. Before taking the last resort of filing a complaint in court, exhaust all efforts to make an out-of-court settlement. Kung talagang despite all your diligent efforts, ganun pa rin, and you feel that there is a need to vindicate your right that has been breached, then consult your lawyer.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum