Ito po ang story:
Feb. 20, 2009 umutang ang isang tindera ng isda sa palengke ng halagang P30,000. Kasunod non ay nong Feb. 25, 2009 sa halagang P20,000 at ang sumunod naman ay nong March 4, 2009 sa halagang P5,000 at ang huli at nong March 10, 2009 sa halagang P5,000. Total of P60,000 ang inutang sa amin ng Fish Vendor mula nong Feb. 20, 2009 'til March 10, 2009.
May pinagka pirmahan po naman. Ngunit naging verbal lang ang usaping 10% na interest. Naka 10k na bayad palang po sya mula non year 2009 ngunit naging mahirap nang singilin after that. Tinry pautos ng mom ko ang katulong namin upang sinigilin sya sa palengke at ginawa nangang kahit P100 a day ngunit tinarayan pa ang mga katulong namin. Hindi parin nagbayad, P100 a day nalang ayaw pang bayaran instead nagtaray pa.
Sabe ng mother ko ngayon ay 2011 na so 2 year na lumipas. Effective parin po ba ang interest kahit wala sa kasulatan ang "10%" (verbal lang at nong sya ay nagbbyad ksma sa hulog nya ang interest ngunit naiwala na ang resibo) andon parin ang word na "Corresponding Interest" sa pinagka pirmahan. Wala nga lang value of interest.
Ang problema po kc namin ang pinautang ni mama ay inutang din, kame ay nagbabayad ng matino kc katwiran namin ayaw din namin na sa amin ay gawin to. Ngunit ito nga po nangyari. Pano napo ung perwisyo nong Fish Vendor samin? Kasi inutang din namin ung interest gusto sana namin bayaran nya utang nya samin with interest din. Pano po ang process nito?
Maraming salamat po.
Btw, nakakasama po ng loob kasi po ung Fish Vendor sa public market from 2009 upto now continuous ang business nya. Tapos ang hirap nya po singilin. Ang laki ng naitulong ng inutang nya samin sa kabuhayan nya. Kame po ang kawawa ngayun