"Na tungkol naman sa sinasabing hindi updated ang by-laws ng association, hindi lang nagkaroon ng yearly report magmula noong nairegister ito noon August 27, 1999 with Registry No. 04-111 na kung saan ay si Mr. (Blank) pa ang Presidente at ang Secretary ay ang kasalukuyang Presidente na si Mrs. (Space) kaya lumaki ng lumaki ang penalty ng association sa HLURB. Sa kasalukuyan, inaayos ng pamunuan ang reportorial requirements ng HLURB".
Nais po sana naming malaman:
1. Sa ganitong sitwasyon, legal po ba ang aming asosasyon at puede po ba silang mangolekta?
2. Kung makatarungan po ba ang pagpapaskil ng mga pangalan ng mga delingkwenteng miyembro sa harap ng gate ng subdibisyon?
3. Nararapat po ba o dapat obligahin ang mga miyembro na pagbayarin maski ganito po ang kalagayan ng asosasyon?
4. May karapatan po bang magbigay ng amnesty ang mga opisyal sa mga piling miyembro lamang ng asosasyon?
5. Kung illegal po ang ginagawang pangongolekta may karapatan po ba ang mga nagbabayad na obligahin ang pamunuan na mag refund ng kanilang nasingil kung hindi nila mapatunayan o hindi sila makapaglabas ng mga legal na dokumento kung saan ginamit ang mga nakokolekta nila?
6. Puede din po bang itigil pagbabayad hangga't hindi isinasaayos ang mga papeles ng asosasyon?
7. Saan po kami puedeng makipag ugnayan? Sa ngayon po ay ayaw maglabas ng dokumento ng asosasyon sa kadahilanang member in good standing lang daw po ang puedeng bigyan. Tama din po ba ito?
Salamat po,