Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo regarding sa GSIS membership ng asawa ko. Two years po siyang naghulog sa GSIS at tinerminate niya na ang membership niya nitong 02/04/2011. Sa 2 years po na iyon, di po siya nag-avail ng anumang loans.
Nitong 04/04/2011, nakareceive po siya through mail ng life insurance claim voucher from GSIS kung saan nakadetalye ang kanyang credit. Ang total credit po niya ay P 14,080.09, subalit, may total deduction daw po siya na P 10,765.42 na naka breakdown sa P 5,541.12 para sa PS PIA at P 5,224.30 para sa GS PIA. Samakatuwid, and makukuha lang niya ay P 3,314.67.
Ano po ba iyong premium in arrears? Taalaga po bang binabawasan ng ganito ang mga GSIS members kahit wala naman silang loan?
Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay niyo.