Good morning, Asko lang po ako ng legal advice. I am 5months pregnant nung time na muntik na kong mabangga ng motor. Aminado po ako naka-Go light ng tumawid ako pero wala pong motor na parating nung tumawid ako kaya nagulat ako nung bigla na lang syang sumulpot. Di naman po nya ako natamaan pero naipit po ng front wheel nya yung tsinelas ko na naging cause kaya na-out of balance ako at natumba at napaupo sa kalsada. Buti na lang may nakaposteng traffic enforcer nung mangyari ang insidente kundi baka tinakbuhan nako ng nakabangga. May witness po kameng kagawad ng barangay na nag-suggest na magpa-emergency na daw ako para ma-check yung dinadala ko but I insisted na ok naman po ako. Nagmamadali din po ako nung time na yun, wala naman po akong naramdamang masakit sa tyan ko or any pagdurugo except sa right leg ko na medyo masakit. Kaya ko pang umuwi kaya nakipagkasundo ako sa driver na wag na lang magpa-emergency. Magpapacheck-up na lang ako ng sarili ko kasi may sarili din po akong OB-GYNE na tumitingin sakin. At kung magkano man ang magagastos ko sa pagpapacheckup at mga tests na gagawin ay irerefund na lang nya. Pumayag yung driver, pumirma sya, pumirma ako, kasama ang 2 witness. Yung isa kagawad ng brgy, ung isa secretary ng kumapanyang pinagtatrabahuhan nung nakabangga. Kinabukasan nagpacheckup po ako, normal naman daw ang heartbeat ng baby, kung wala naman daw akong naramdamang pananakit ng puson o paninigas ng tyan, di na nya ako ipapaultrasound. But nung gabi po paguwi ko, nakaramdam po ako ng pananakit ng puson kaya nagdecide ako na magpa-ultrasound.Bumalik po ako kinabukasan pero hindi pa po ako na-ultrasound kasi wala na daw pong dr kaya kelangan ko pang bumalik sa mga susunod na araw para makaabot ako sa ultrasound. Sinabihan na din po ako ng sonologist na normal naman daw po yung baby. Di na po ako nakabalik sa DR ko kinabukasan kasi sumama ang pakiramdam ko kaya nagdecide ako na next week na lang (that was 2weeks after ng incident). A week after nagpunta ako sa OB ko pero di sya pumasok at walang reliever kaya bumalik ako kinabukasan. Naread naman po ng ibang DR yung result ng ultrasound, normal naman daw po kaya wala ng tests pa na kelangang gawin. Nung ininform ko po si motor na nakabangga, ayaw na nyang magbayad at makipagaayos. Katwiran nya, nagtanong daw po sya sa kaibigan nyang pulis na dapat daw po e w/in 24hrs yung medical ko. 725.00 lang po yung ultrasound, mas malaki pa sana ang ibabayad nila kung nagpa-emergency ako nung gabi ng insidente. Wala din naman akong ibang habol kundi irefund ang nagstos ko kasi hindi naman po ako mapapagastos ng ganun kundi nya ko muntikan ng mabangga. Valid po ba yung reason nya di nya babayaran yun kasi wala ng 24hrs kahit na may pinirmahan kameng kasunduan na irerefund nya yung magagastos ko sa saring checkup ko? Patulong naman po, kasi kung hindi po sya makikipagayos talaga sa halagang 725.00 e mapipilitan na po siguro akong sampahan sya ng kaso. Ano po ba ang laban ko dito? Thanks.